SA HINDI kalayuan ay sumisikat na ang araw na para bang walang nangyaring hindi maganda sa baryong iyon. Hindi natulog ang isa man sa mga manglalakbay na hinintay ang pagsapit ng umaga. Maging siya ay nanatiling gising dahil sanay din naman siyang hindi natutulog sa gabi. Naghanda kaagad ang mga manglalakbay sa pag-alis ng mga ito kahit na maaga pa. Inilabas ng mga ito na kani-kanilang kabayong sinasakyan. Naunang sumakay ang babae sa kayumanggi nitong kabayo. Samantalang ang dalawang lalaking manglalakbay nahuli nang kaunti. “Wala na ba kayong gagawin para dito sa baryo?” ang naitanong niya sa mga ito sa pagsakay ng lalaking manipis ang buhok sa kabayo nito. Hindi niya rin alam kung ano ang pangalan ng mga ito. Wala rin naman siyang balak magtanong dahil hindi naman niya kailangang m

