Kabanata 11

2164 Words

ANG BUONG akala niyang hahantong siya sa kamatayan ay isang malaking pagkakamali. Sapagkat nangyari ang isang bagay sa kaniya na hindi niya inasahan. Nang ilang dangkal na lamang ang layo ng ulo niya nakangangang nilalang, bigla na lamang nag-apoy ang kaniyang buong katawan. Binalot man siya ng apoy na asul ang kulay, hindi niya nararamdaman ang init niyon. Sa gulat ng nilalang sa nangyayari’y naisara nito ang bibig. Binitiwan lamang siya nito nang tumakbo ang apoy sa mga kamay nito mula sa kaniya. Bumagsak siya sa lupa sa kaniyang dalawang tuhod na umuubo-ubo habang patuloy ang paglabas ng apoy sa kaniyang buong katawan. Nasusunog niyon ang kaniyang buong kasuotan. “Ano ka bang klase kang tao?” ang naitanong sa kaniya ng nilalang. Pinagpag nito ang apoy sa isang kamay nito nang mamatay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD