DAHIL nga sa wala na ang kaniyang ina sa mundong iyon, inisip niya pa rin naman kung ano ang kaniyang gagawin. Ngayon wala na talagang pipigil sa kaniya marahil panahon na ngang umalis siya sa baryo na iyon. Wala nga rin namang mangyayari sa kaniya kung patuloy siyang manatali roon sa pagkawala ng kaniyang ina. Pakirawi niya ay mauulit ang nangyari sa baryo nang gabing iyon. Nagkaroon siya ng ideya na sumama sa mga manglalakbay para makarating sa kalapit na bayan. Kapag naroon na siya ay maari na siyang humiwalay sa mga ito upang makipagsapalaran nang mag-isa. Laman ng kaniyang isipan ang bagay na iyon, pinagmasdan niya ang manglalakbay kasama ang babae na nanatiling nakikipag-usap sa pari. Umalis naman ang lalaking kumausap sa kaniya upang gamutin ang naiiwang sugatan. Iyong akala ng lah

