Kabanata 30

2021 Words

Magdadapit-hapon na nang makarating siya sa kanilang bahay. Tahimik ang paligid habang umiihip nang banayad ang hangin. Pakiramdam niya tuloy ay mayroong nangyari kay Mara at sa manglalakbay habang wala siya roon. Kahit ang alagang mga hayop ay hindi nag-iingay na kapag ganoong oras ay umiiyak. Napapatingin na lamang siya sa malayo sa pagpasok niya ng bakuran. Napabuntong-hininga siya nang malalim dahil sa pagbulong sa kaniya ng hangin. Pinaglaruan niyon ang kaniyang berdeng buhok. Maging ang itim na ahas ay napapatingin na rin sa direksiyon kung saan siya nakatingin. Sa malayo sa likuran ng kabundukan ay namumuo ang maitim na ulap. Naalis niya lang ang kaniyang tingin sa malayo nang lumabas mula sa pintuan si Mara dala ang balde. Tinali nito ang buhok sa likuran ng ulo nito na madalas na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD