Tahimik na nag-uusap ang dalawa sa harapan ng tsemenea nang makarating siya sa ibaba. Nakaupo ang mga ito sa silya nang magkaharap. Huminto ang mga ito sa pag-uusap sa paglapit niya sa mga ito. Pinagmasdan siya ni Mara habang ang manglalakbay ay pinako ang tingin sa umaapoy na kahoy sa tsemenea. "Kumusta na siya?" ang naitanong sa kaniya ng babae. Tumayo siya sa likuran lang ng kinauupuan ng manglalakbay. "Nakatulog na siya," tugon niya naman kay Mara. Napatango-tango ito't ininom ang kape sa hawak nitong puting tasa. Ibinaling niya na lamang ang tingin kay Drust. "Siyanga pala, mayroon akong itatanong sa iyo," pagbubukas niya sa usapan. Nilingon siya ng manglalakbay na nagtatanong ang mga mata. Sumimsim ito ng mainit na kape't inilapag sa bilugang mabababang mesa ang tasa. "Ano?" tipi

