Inabala niya ang kaniyang sarili sa paglalaro sa tabi ng ilog. Kumuha siya ng maliit na bato na siyang itinatapon niya sa tubig. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa magsawa siya. Tumingin siya sa kabilang ibayo ng ilog nang makita niya ang usang uminom ng tubig. Masanga ang sungay ng usa't ang balat nito'y maliwanag na kayumanggi. Napahinto siya sa pagtapon ng bato't pinagmasdan ang usa sa pag-inom ng tubig. Maging ang usa ay tumingin sa kaniya't nagkasalubong ang kanilang mga mata. Umalis din naman ito bigla nang maramdaman niya ang mabigat na puwersang tumutulak sa kaniyang likuran. Tumalon ang usa papasok ng kakahuyan. Nadagdagan ang bigat sa kaniyang likuran sa hindi niya pagkilos. Dahil dito ay lumingon na siya't sumalubong sa kaniya ang malapad na espadang inihampas sa kaniya

