Nararamdaman niya ang pagtitig ni Odoe sa kaniyang likuran. Liban pa roon naririnig niya rin ang paghakbang nito papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso sa antisipasyon ng gagawin ng binatang prinsipe. Ilang sandali pa ay nakarating na nga ito sa kaniyang tabi. Ibinaling nito ang mga mata sa unang bayan sa ibaba sa kaharian ng Kingon. Pinili nitong manahimik na walang sinasabi sa kaniya. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib. Kumakapal ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa sa pananatili nilang nakatayo lamang na malayo ang tingin. Sa huli siya na ang hindi nakatiis kung kaya nga humakbang siya para maglakad paalis. Ngunit hindi niya naituloy dahil sa pagsasalita n

