Kabanata 57

2021 Words

Nang ilang dipa na lamang ang layo niya sa lupa, nagbago ng lakli ang makamagandag na ahas sa ilalim niya. Pumulupot sa kaniyang katawan ang mahaba nitong katawan na siyang tumanggap ng epekto ng kaniyang pagkabagsak. Naglaro na lamang ang alikabok sa hangin na kaniyang ikinaubo-ubo matapos makasinghot. Inilapit ng ahas ang ulo nito sa kaniya na lumulusot sa makapal na alikabok. Sinalubong nito ang kaniyang masamang tingin. Doon niya naintindihan kung bakit hindi na sumunod sa kaniya ang binatang prinsipe. Ipinasa lang nito ang ahas sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo rito? Sabi ko na sa iyong magpaiwan ka," paalala niya sa ahas. "Sasama ako sa iyo kung saan ka man magpunta," saad naman ng ahas sa kaniya. "Hindi ka puwedeng sumama. Kailangan ka ng punong guro." "Mas kailangan mo ako. Huwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD