Kabanata 58

2022 Words

Malakas ang ingay na dala ng pagdating ng tren sa istasyon. Mistulang nagiging buntot ang inilalabas nitong maitim na usok mula sa unahan. Umirit ang bilugang gulong nito sa reles na siyang nagpangiwi sa kaniya na siya ring pagtakip niya sa kaniyang mga tainga. Ilang sandali pa nga ay huminto na ito sa kanilang harapan na naglalabas pa ng manipis na usok. Pagkabukas ng mga pinto ay nagsilakad na ang mga pasahero upang makasakay. Nauna siya sa pagtayo't paghakbang patungo sa pintuan kalapit ng kanilang inupuan. Hindi niya kaagad napansin na walang binatang prinsipeng nakasunod sa kaniya. Nilingon niya ito nang mapagtanto ang bagay nang makapasok na siya sa loob ng tren. Tumabi siya sa gilid ng pintuan sa pagdaan ng ibang mga pasahero. Hinanap niya kapagkuwan ang binatang prinsipe't nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD