Episode 31 “How about me? What do you like about me, Neri?” NAMILOG ang mata ko sa kanyang sinabi at hindi nakapagsalita. “Ewan ko,” blankong sagot ko sa kanya kahit na ang totoo ay may sagot naman talaga iyon at ayoko lang sabihin sa kanya dahil tiyak na matinding pang-aasar lang ang aabutin ko. Tinitigan niya muna ako at saka bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung dismayado ba siya na ganoon ang sagot ko o dahil alam niyang may sagot ako pero hindi ko magawang sabihin iyon sa kanya. Pero alinman sa dalawang pagpipilian na iyon ay wala akong balak alamin sa kanya. “Aren’t you going to asked me what I like about you, Neri?” tanong niya sa akin. He wiggled his eyebrow while smirking. Ako naman ang napailing sa kanya at nagkibit-balikat. “Ano nga ba?” hamon kong tanong sa kanya kahit

