Episode 32 “Happy birthday and congrats bro,” wika ni Silver sa kanyang kasama na si Ryker. NANDITO na kami ngayon ni Silver sa loob ng malaking mansion kung saan bahay mismo ng kanyang kaibigan na si Sir Ryker. Dito sa bahay mismo magaganap ang engagement na sinasabi ni Silver. Mukhang hindi pa naman nagsisimula ang engagement dahil hindi pa nakikita ng mga bisita ang fiancée nitong si Ms. Abigail. Si Sir Ryker ay CEO din at kasosyo ni Silver sa negosyo,. His company was focus on making plushies and toys based sa mga laro na iniri-release ng DMMC at ng iba pang kumpanya na kasosyo nito. They also have their own products at ginawa ang mga ‘yon para sa mga bata dahil mahilig daw si Ms. Abigail sa mga bata at madalas na pumupunta sa mga bahay ampunan para magbigay ng mga laruan. At nag

