Episode 33 HINDI pa rin nagsi-sink-in sa akin ang mga nangyari kanina. Parang panaginip ang confession ni Arrow. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireak sa mga oras na ito dahil sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam na gusto niya pala ako. I never thought that he likes me. Ni hindi pumasok sa isipan ko na magugustuhan niya ako ng higit pa sa kaibigan. We rarely talk to each other kaya hindi ko alam na may ganoon na pala siyang nararamdaman para sa akin. I like him of course. But not enough to commit a relationship with him. Katulad nga ng sabi ko ay baka hind inga talaga para sa akin ang relasyon. Ayoko na ulit pagdaanan iyong mga pinagdaanan ko kay Carlos noon. Alam kong magkaiba silang dalawa ni Arrow. He’s more responsible than my stupid ex. Aside from that, we have similar

