Episode 22 “Kamusta ang interview?” tanong sa akin ni Cana. IYON kaagad ang tinanong niya sa akin pagkarating ko galing sa interview. Tumango lang ako sa kanya bago humiga sa sofa. Kinunotan naman niya ako ng noo dahil doon. “Ano nga?” “Tanggap ako. Huwag kang mag-alala,” wika ko sa kanya. “Eh bakit hindi ka masaya?” tanong niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng kanyang noo. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang ieexpect ko sa pagtatrabaho ko sa kanya. Oo nga at siya ang nagsabi sa akin na kailangan niya ako sa kumpanya niya. And I gladly accept the offer dahil sino bang makakatanggi sa mga ganoong incentives? Pakiramdam ko noong kausap ko si Sir Caius kanina na secretary niya ay inilatag na niya lahat ng incentives na hindi naman dapat sakop ng isang game e

