Episode 23 “Welcome party?” gulat kong tanong sa kanila. TUMANGO naman kaagad sa akin si Sir Henry at nginitian pa ako. “You’re our new team member so it’s normal for us to celebrate your welcome party,” paliwanag niya sa akin. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang magtrabaho ako bilang game editor sa DMMC. Hindi lang iyon ang naging trabaho ko dahil sa nakalipas na isang linggo ko rito ay tumulong ako sa pagbibigay ng ideas sa mga story plots sa larong gagawin. Ito ay possible lang naman na mga story plots para sa mga game proposals na inihanda ng Development Team. Noong wala pa raw kasi ako rito ay nagkaroon ng nakaraang meeting at nagpapasa si Sir Silver ng mga bagong game proposals for the next project at ipapasa na raw iyon ngayong biyernes. “Let’s do it on Friday after t

