Episode 35 UMIYAK si Neri sa kanyang harapan. Hindi iyon inaasahan ni Silver dahil sa totoo lang ay alam niya kung gaano kalakas at katapang na tao si Neri. And that’s what he really likes about her. She doesn’t like sugar-coated words. Mas okay sa kanya iyong sasabihin kaagad ang totoo at wala ng paligoy-ligoy. In fact, he was amazed by her own personality. It was pretty unique and admirable. Iyon nga lang, lahat ng tao ay may kahinaan din at hindi exemption doon si Neri. He knew that Carlos would not stop after what happened to him. Ang mga ganoong lalaki ay sadyang makakapal ang mukha at kulang ang kulungan para maging parusa sa kanila. Alam niyang takot na takot si Neri kay Carlos. What happened last time really traumatized her. Kaya naman nang maghiwalay ang landas nilang dalawa

