Episode 36 GUMAAN ang loob ni Neri pagkatapos niya kausapin si Silver. Hindi niya rin naman inaasahan na iiyak siya sa harap nito matapos pigilan ang sobra-sobrang emosyon. Ayaw niya maging mahina sa mata ng ibang tao pero nang sabihin sa kanya ni Silver ang mga katagang gusto niya marinig matagal na ay parang bigla na lang umapaw ang mga emosyon na matagal na niyang kinikimkim sa kalooban ng puso niya. At para sa kanya ay nakakagulat na nagawa niyang umiyak sa harap nito. Doon niya narealize na kaya niya sigurong nagawang umiyak sa harap ng lalaki ay dahil unti-unti na gumagaan ang loob niya rito. Hindi niya alam kung dapat ba niya iyon ikatuwa dahil ito ang unang beses na gumaan ang loob niya sa ibang tao lalo na at boss pa niya. But she can’t deny that she’s really comfortable with

