NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 36 JAMES’ POINT OF VIEW Sa buhay natin ay may mga pagbabagong hindi mo inaakalang mangyayari. Mga pagbabagong kahit gaano mo gustong paglabanan ay hindi mo sadyang matakasan at sa tuwing gusto mong takasan ay saka naman lalo ka lang nalulubog sa hindi tama at imbes na makatulong ang iyong pagtakas ay lalo lang napapasama, lalo ka lang magugumon, lalo kang magkakaproblema. Alam kong maraming galit sa akin. Iniisip ng karamihan na makitid ako, manggagamit, walang utang na loob, walang paninindigan, babaero, manloloko at kung anu-ano pang ikinakabit sa tulad ko. Pero bago ako husgahan ay sana mabigyan ako ng pagkakataong ipaliwanag ang bawat himaymay ng kung sino ako at bakit ako nagkakaganito. Dati naman noong bata p

