NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 35 Mandy’s POINT OF VIEW "Dahil alam kong mahal niya ako." Ngumiti siya. Tinakpan niya ang bibig niya. Alam kong iniwasan niyang tumalsik na naman ang maluwang niyang pustiso. "Kaloka ka. Akala ko kami lang mga bakla ang ilusyonada. Pati pala mga babaeng magaganda ngunit minalas sa jowa." "Hindi ako nag-iilusyon. Nararamdaman ko iyon. Kung hindi niya ako mahal, maraming paupahan na kuwarto dito sa Doha, bakit hindi niya ako iniiwan? Bakit hindi siya lumilipat ng kuwarto?" "Well, may punto ka diyan." "Isa pa Vincent, ramdam kong hindi lang churvahan ang nangyari sa amin. Alam ko kung kailan s*x lang ang lahat at kung may kasama itong emosyon. Ang ginawa namin ay hindi lang basta s*x, may damdamin at may pagmamahal."

