NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 34 Mandy’s POINT OF VIEW "Huwag kang tumingin sa entrance 'te." "Bakit?" tanong ko. Kinabahan ako. "Basta huwag na huwag kang tumingin. Bawal. Very wrong ang enerhiyang pumapasok. Mabantot ‘te." Ngunit kung bakit kahit sinabihan na ako ng gano'n ay sadyang matigas ang ulo ko at tumitingin pa rin talaga ako. Nakita ko si James. May kasamang sexy at magandang babae. Masaya ang babae ngunit hindi ang mukha ni James. Alam ko kung kailan masaya at kung kailan problemado si James. Kung maganda man at sexy ang babaeng iyon. Pwede ko siyang pantayan. Baka nga mahihiya siya sa ganda ko at kaseksihan kung sabay kaming maglalakad. "Sinabing huwag tumingin e." "Ouch! Ang sakit Vincent. Ansakit sakit pala. Alam kong may iba si

