NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 41 JAMES’ POINT OF VIEW “Gawin mo ang hinihiling ko para man lang sa pagkakaibigan natin." "Pagkakaibigan? Hindi Mandy. Alam mo kung ano ang totoo. Alam kong naramdaman mo kung ano ang totoo at hindi lang ako nagpakalalaki para harapin ang katotohanang iyon. Gusto kong sabihin ito sa iyo hindi dahil sa nangyari ngayon kundi dahil naunsiyami ang sandaling dapat ay ginawa ko ito." Binunot ko ang singsing sa daliri ko at tinanggal ko ang kuwintas na suot-suot ko. Muli akong yumuko para sabihin at marinig niya ang bawat katagang sasabihin ko. "Nakikita mo ang singsing na ito? Tig-isa natin at sa loob ay may nakaukit na mga pangalan natin. Nang nakita mo kami ng babae sa Chilli's at hinabol ko kayo ay ipapakilala na san

