NOT A TYPICAL OTHER WOMAN By JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) CHAPTER 42 JAMES’ POINT OF VIEW "Pangako ko iyan. Isusuot ko na itong singsing para sa akin at yung partner nito ay ilalagay ko dito sa bulsa ng bag at sana kahit hindi ko makita ay isuot mo iyon tanda ng walang hanggang pagmamahal ko sa iyo. Mahal na mahal kita at maghihintay ako." "Sige. Pangako, isusuot ko 'yan. Paalam James. Paalam mahal ko. Kung mabigo kang hintayin akong buhay ay tandaan mong patuloy akong maghihintay sa muli nating pagsasama. Ipagkait man dito sa lupa pero naniniwala akong may kabilang buhay na puwede pa tayong magkasama. Wala akong pinagsisihang minahal kita. Salamat at binigyan mo ako ng kasiyahan hanggang sa huling sandali. Salamat sa pagmamahal." Sumenyas din siya ng paalam at pasasalamat kay Vincen

