bc

Pare ko!

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
dare to love and hate
drama
sweet
friends
like
intro-logo
Blurb

High school buddy na sina Klaire at Stephen, mula pa noong makalipat sina Klaire sa Laguna. Magkaibigan sila at magkapitbahay dahil nasa iisang Village lamang sila at si Stephen na ang kauna unahan niyang nakilala ng pamilya ng dalaga dito.

Paano hahantong sa pag iibigan ang relasyon nilang dalawa, kung may nobya din si Stephen.

chap-preview
Free preview
Simula
Maaga pa lamang ay ginising na nang kanya ina si Klaire na noong panahon na iyon ay nasa kinse anyos pa lamang. Nakapag transfer na sya sa susunod na pasukan sa probinsya ng kanyang ina sa Laguna. Gustuhin man nya dito sa Manila matapos ang kanyang pag aaral sa high school ngunit hindi kakayanin ng kanyang ina. Dalawang buwan na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang ama, dahil sa sakit na cancer. Hindi nila ito inexpect na ganun ito kadaling kukuhanin agad sa kanilang mag ina. Nagpasya ang kanyang ina na muling tirahan ang lumang bahay ng mga ito sa Laguna, sa isang Village ito sa Santa Rosa, Laguna kung saan lumaki ang ina nya. Ipinamana sa kanyang ina ng mga magulang nito ang bahay na iyon at ang isa pa nilang bahay ay sa kapatid nitong bunso sa Uncle Ben nya. "Klaire, bumangon ka na at para maiayos na ang mga hinigaan mo" sambit ng ina habang may binubuhat itong box palabas ng kwarto nya. "Opo mommy" tanging naisagot nya. Nakahanda na naman ang lahat ng gamit nya, maliligo na lamang sya at ilalagay ang pinaghubaran sa isang paper bag na naka handa na din. Maya maya pa ay dumating na ang inaantay nilang truck van na siyang maghahakot ng mga gamit nila. Silang mag ina naman ay sakay ng kanilang SUV, ito na lamang ang naiwan sa kanila ng ama. Lahat ng naipundar nila maging ang condong tinitirahan nila dito sa Pasig ay naibenta na din ng ina para mailaban ang ama sa sakit nito. Muling sinulyapan ni Klaire ang kabuuan ng kanyang kwarto, mami-miss nya ang sariling kwarto kung saan nabuo lahat ng kanyang mumunting pangarap. "Mom let's go!" excited na tawag nya sa ina ng makitang nasa kitchen ito. "You ready baby?" tanong pa sa kanya ng ina "Yeah mom, we need to move on" lumapit siya sa ina at niyakap ito. "Dad may feel sad if makikita nya tayong malungkot mom" pagsasatinig nya ng nararamdaman nya. Pinipilit nya maging maalwan ang pag alis nila sa condo na iyon, alam nya kasing malulungkot lang ang daddy nya kung makikitang malungkot sila sa mga naging desisyon nila. Nasa byahe na sila at kasalukuyang tinatahak ang SLEX. Nauna na ang truck van dahil nasa bahay naman ang kapatid ng mommy nya at nag aabang na din doon. Nagtake out na lang din silang mag ina ng food nila at hindi pa nagbreakfast si Klaire nang magpaalam ito na mag CR lang. "Bilisan mo ah doon lang ako sa right side mag park dun mo ako puntahan" bilin sa kanya ng ina. Tumalima na at nagtungo sa public CR si Klaire. Nang makalabas sya ng CR ay hindi sinasadyang makabunguan niya ang isang binatilyo na sa tantiya niya ay halos kaedarin lamang nya. Nahulog ang pouch na hawak ni Klaire kaya pinulot nya ang mga nalaglag pa doon na gamit. Tinulungan naman sya ng binatilyo. "Sorry Miss iniwasan ko kasi yung bata hindi kita namalayan lumabas" paghingi nito ng paumanhin. "Ayos lang lumayo lang din ako sa tumatakbong bata kanina" sabay ngiti nya sa lalakeng nasa harapan nya. "OMG!!" pigil nya sa sarili nya. Natulala si Klaire sa kaharap na lalake, tingin nya ay nasa 5'9 ang taas nito at halos magmukha syang bansot dahil sa taas nya na 5'3. Naramdaman na lamang ni Klaire na may nagsnap sa harapan ng mukha nya na nakapag pabalik sa wisyo nya. "Uhh shit... nakakainis" maktol ni Klaire at daling tumakbo pabalik sa sasakyan nila. "Kahit kailan ka talaga Klaire kainis" usal nya sa sarili habang sumasakay. "What's wrong baby?" agad na tanong ng mommy nito "Ahh wala naman mom, I'm fine let's go na po" sagot naman nya dito. Hindi na umimik ang ina nito at nagmaneho na lamang. Nakita pa ni Klaire na kakamot kamot ng batok ang lalakeng nakabanggaan nya kanina at nakatingin sa paalis na sasakyan nila. Ayaw na lamang nya isipin ang ginawa nyang katangahan sa harap ng lalakeng iyon, hindi na naman sila pa magkukrus ng landas. Inabala ni Klaire ang sarili sa pagkain ng fries at burger at paminsan minsan ay sinusubuan ang mommy nya na nagdadrive. Sakto matapos sya makakain ay huminto ang sasakyan nila sa isang Village, nasa gate sila at may tinatanong ang security. "Yes, Dra. Katherine Ty" pagpapakilala ng ina nya "Block 5 Lot 8 Sunflower Street" muli ulit nitong sagot. "Ahh kayo po yung lilipat, sige po pasencia na mo Doc" narinig kong sinabi ng guard. Pumasok na sila at tumigil sa likod ng kaninang truck van na lulan ang aming mga gamit. Klaire's POV Nakita ko ang isang two storey house kung saan may mataas na gate na kulay puti kung saan pinapasok ang aming mga gamit. Naka baba na ako ng kotse at suot ko na ang bagpack ko. Papasok na sana ako ng may isang cute na dark brown puppy ang lumapit sa akin. At dahil veterinarian si mommy ay nahilig din ako sa mga hayop gaya ng cute na tsitzu na ito. Agad ko naman siyang kinarga at hinaplos haplos pa. Nagpalinga linga ako at baka nasa paligid lamang ang kanyang fur parent. Tumahol sya ng may tumigil na isang blue ashton matin sa harapan namin, at nang bumaba ang nakasakay doon ay nagpumiglas agad sya sa akin kaya nabitawan ko sya at nakatakbo agad sa bumaba. Laking gulat ko ng makita ang bumabang lalake. "You!" gulat kong untag "Yeh" tanging sabit ng kaharap ko "So you live here" tanong nya sa akin. "Yup, we just move" sagot ko "puppy mo?" nang maalala ko ang hawak nitong aso. "Yeah, tumawag ang sister ko at sinabing nakawala na naman itong pink" habang hinahaplos ang aso. "So you are pink pala ahh" nang lumapit ako sa kanila at hinipo ang baba ng aso. "Stephen Edward Gonzales" sabay lahad nya ng palad nya. Nabawi ko naman agad ang pagkabigla ko at tinanggap ang kamay nya. "Felicia Klaire Ty" pagpapakilala ko naman sa kanya. "Klaire... " sigaw ni mommy sa loob kaya binawi ko agad ang kamay ko sa kanya. "Klaire can you pick up the box inside the car the one with duct tape baby" " Sure mom! " sagot ko Nilingon ko sya at tumango " Nice meeting you Steph " sabay ngiti at tinalikuran ko na sya. Akala ko ay nakaalis na sya ngunit nakita ko siyang papalapit sa akin ng maisarado ko kotse. Kinuha nya sa akin ang box na pinakukuha ni mommy at ang aso nahawak nya ay binaba na nya at nasa kamay na nya leash nito. " Ahmm.. " hindi ko alam sasabihin ko bigla na lamang parang may bumarang kung anonsa lalamunan ko. " It's fine Klaire, beside we're neighbors diba and neighbors help each other" agap nitong explain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook