Aries's P.O.V.
Isa isang silang nagpaalam kay Willow at ako naman ay walang lingo likod na nag lakad pa punta sa dalampasigan kung saan naka standby ang helecopter na ginamit ng mga kapatid at pinsan ko patungo rito. Habang lumilipad na papalayo sa Isla ang helecopter ay nilingon ko ang Isla, ang Isla kung saan ako nakatira ng tatlong buwan kasama si willow.
"Mukhang mabigat ang loob mo a? dahil ba iyan sa pag iwan mo sa girlfriend mo sa isla?" Pabirong tanong ni Zeus
"Hindi ko siya girlfriend" Inis kong sagot sa kanya
"talaga? e, kamusta naman ang nararamdaman mo para sa kanya?" Pilyong tanong naman ng kapatid kong si Leander
"Huwag nyo nang itanong, wala akong gusto sa sa kanya at hindi ang tulad niya ang babaeng magugustuhan ko" Seryoso kong sabi sa kanila, nakaramdam ako kongting pait sa puso ko pagka sabi ng mga salitang iyon ngunit pinilit ko itong isantabi, hindi ako kailanman magpapadala sa emosyon ko. Nagtinginan silang lahat
"Right, mas gusto mo nga pala yung may pagka bitchy at flirty e, nakalimutan namin" Maarteng sagot ng kapatid kong si Shyra
"Walang gusto? e halos may lalabas na usok sa ilong at tenga mo kanina at halos mag aapoy na ang mga mata mo sa galit nang makita mong hinahawakan ni Damon ang mga kamay niya" kantsaw si Zeus.
Totoo ang mga sinabi nito. hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman iyon, bigla na lamang akong nairita ng makitang hinahawakan ng iba ang mga kamay niya. Hindi ko na sinagot si Zeus dahil ayaw ko nang pag usapan ang tungkol kay Willow. pinilit ko na lamang na matulog. Pagka gising ko ay naka lapag na kami sa rooftop ng mansyon.
"Aries? Anak?" Maluhaluhang tawag sa akin ng aking ina
"Mommy?" tawag ko sa aking ina habang tumatakbo papalapit dito. niyakap ko ito ng mahigpit. malaki ang ipinayat nito at parang masyado itong stress.
"Kamusta ka? ok ka lang ba?" sunod2x na tanong nito. bumaba ang tingin nito sa braso ko, nang makitang may bondages na nakabalot sa kabila kong braso ay gumuhit ang pag aalala sa mukha nito "May sugat ka?" pag aalalang tanong nito.
" Ok lang ako mommy, tsakanmaliit lang ito" Sagot ko kay mommy
"Papaanong hindi magiging ok iyan tita? e sobrang ganda ng babaeng nag aalaga jan at sobrang bait pa" Pilyong sabi ni Eros sa aking ina
"Talaga anak? sino ba iyon?" Masayang sabi ni mommy. kanina lang ay makikita sa expression nito ang sobrang pag aalala ngayon ay naging masaya ito
" Girlfriend niya mommy, Willow ang pangalan" Si Leander ang sumagot
"Anong girlfriend ang pinagsasabi mo?" sabat ko kay Leander
"Gusto kong makilala ang girlfriend mo anak at makapagpasalamat sa kanya ng personal" Excited na sabi ni mommy "Gusto kong imbitahin siya sa isang family dinner" dagdag niyang sabi
Hindi ko ito sinagot at umakyat na lamang sa aking silid upang magpahinga.
Nagising ako dahil sa gutom na nararamdam ko, tumingin ako sa malaking orasan na naka kabit sa dingding ng aking silid, "s**t" napamura ko nang ma makita kong alas siete na ng gabi, "Ang haba ng oras na tinulog ko" sabi ko sa aking sarili. agad na lumabas ako ng silid at bumaba upang kumain. Habang pababa ng hagdan ay nadatnan ko ang kapatid kong si Leander na naka upo sa pina ilalim ng hagdan at namimilipit sa sakit.
"hey brother? anong ginagawa mo jan?" taka kong tanong dito
"Na tapilok ako, ang sakiiit" nanginig na sabi nito
"Ang tanga mo naman, naka upo kana nga natapilok kapa" Sabi ko dito
"Alam mo, Mas tanga ka. sa sakit na nararamdaman ko ngayon tingin mo mananatili parin akong nakatayo?" Sigaw nito sa akin
"Bakit? Papaano kaba natapilok?" taka kong tanong kay Leander
"Alam mo Aries minsan hindi ko mapigilang magtaka kung papaano ka grumaduate, napaka bobo mu. o baka naiwan yang utak mo doon sa isla"? Inis na sabi ni Leander, nakakatawa itong tingnan sa sitwasyon nya
"Gusto ko lang naman makita kung papaano ka natapilok nang malaman ko ang level ng sakit na nararamdaman mo" Sabi ko dito at tumawa.
Sinamaan ako nito ng tingin. Sinubukan nitong tumayo at humakbang ngunit napapaupo ito sa sakit.
"Gusto mo nang sungkod?" alok ko dito
"Malamang" iritang sagot ni Leander
Agad akong umakyat sa pangalawang palapag upang mag hanap ng sungkod sa kwarto ng aking aking lolo.
"Tang ina, Sungkod ba yan?" singhal ni Leander nang makita ang walker na aking dala
"Isipin mo nalang sungkod iyan" pilyo kong sagot sa kanya
"Gago, walker iyan, walker" iritang sabi nito. natutuwa talaga ako pag nakitang naiinis ito.
"Wala namang pinag kaiba yan sa sungkod" sabi ko dito sabay tawa
"Ang bobo mo talaga" iritang sabi nito. Tinawanan ko ito saka naglakad patungo sa Dining Area.
Nakita ko ang aking ina na naghahain ng pagkain kasama ang mga katulong
"Anak? Gutom ka na ba?" tanong nito sa akin nang makita akong naka tayo sa entrance ng Dining Room
Ngumiti ako dito "Hindi pa naman po" Sagot ko sa kanya
"Sandali nalang to anak" Sabi ng aking ina.
Lumapit ako at tumolong sa paglalagay ng pinggan sa mesa, nilagyan ko na din ng kutsara, tinidor at water goblet ang tabi ng pinggan. Nang matapos ay tumingin ako kay mommy, nakangiti ito na may halong pagka gulat "Bakit po?" taka kong tanong nito
Ngumiti ito sa akin at umiling "wala anak" Aniya
Maya2x ay dumating na ang mga pinsan ko kasama ang mga magulang nito.
"Aries?" Tawag sa akin ni tito Carl "Kamusta?" tanong nito sa akin
ngumiti ako dito "Ayos lang po ako tito sagot ko dito
"Welcome back iho" Nakangiting sabi sa akin ni tita cindy, niyakap ako nito
"Oh Leander? anong nangyari sayo? at naka walker ka? Uso ba yan ngayon?" Pabirong sabi ng aking ama kay Leander, hindi ito sumagot, tinawanan na lamang namin ito
"Goodevening everyone" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa entrance ng dining room
"Conor?" Sabay na sigaw ni Daddy at tito Carl. Napatingin kaming Lahat dito. katabi nito si tita Willa ang ang dalawang anak ni tito conor sa unang asawa nito na sina Dan at Denver. Walang kakayahang mag buntis si tita Willa dahil sa sakit nito kaya't wala silang anak ni tito conor.
"Insan" tawag ko sa dalawa. Medyo matagal nang hindi namin naka bonding ang mga ito dahil naka base ang buong pamilya nila sa Canada, bihira lamang ang mga itong umuwi ng pilipinas
"Insan, Kamusta na?" Bati sa akin ni Denver
"ayos lanh ako" sagot ko naman sa kanya. binati ng mga ito ang mga kapatid ko at iba pang mga pinsan.
"Maupo na kayo at kakain na tayo" Sabi ng aking ama, Sumunod naman kami sa utos nito.
Sinuri ko ang bawat pagkain na nakahain sa mesa, wala sa mga ito ang hinahanap ng panlasa ko, nang makita ko ang ang sinabawang gulay na naka lapag sa pinakagilid ng mesa ay agad akong na takam. ito ang palaging niluluto ni willow. Nagdasal muna kami bago kumain
"Anak, heto o, paborito mo" sabi ni mommy habang inaabot sa akin ang roasted pork
"Ayaw ko nyan ma" tanggi ko kay mommy. "iyon ang gusto ko" dagdag ko sabay turo sa sinabawang gulay
Nagtinginan silang lahat, "Bakit?" taka kong tanong sa kanila
"A, wala anak, nasanay lang kami na roasted pork ang palagi mong hinahanap kapag may family dinner tayo, at isa pa hindi ka mahilig sa gulay anak kaya't nagtataka kami kong bakit gulay ang gusto mong kainin" sagot ni kommy habang inaabot sa akin ang sinabawang gulay. Bigla akong napa isip, tama nga naman si mommy. Marahil ay nag aadjust pa ang aking panlasa, nasanay kasi ako na palaging gulay ang kinakain namin sa isla, sa tatlong buwan kong pananatili sa islang iyon naging paborito ko na ring kainin ang gulay.
Nang matapos kaming kumain ay tumulong ako sa paghugas ng pinagkainan namin na ikinagulat na naman ng aking buong pamilya. Hindi ko sila pinansin at hinayaan na lamang nila ako sa gusto kong gawin
Nang matapos ako sa pagtulong sa kusina ay agad akong nagtungo sa kinaroroonan ng aking mga kapatid at pinsan
"Insan? balita ko may girlfriend kana daw? seryoso na ba yan insan?" pabirong tanong sa akin ni Denver
"Hindi ko girlfriend iyon, wala nga akong gusto dun" sagot ko dito
"e, panu pag ligawan iyon ni Damon?" Seryosong tanong ni Leander sa akin.
Napaisip ako, pano pag totohanin nga ni Damon ang panliligaw kay Willow. Nakaramdam ako ng galit sa isiping iyon. Hindi ko ito sinagot, tumalikod na lamang ako at umakyat patungo sa aking silid at natulog.