7

3526 Words
ARIES P.O.V. "Kuya? Hanapin nyo ni Leander si Gaia. Kami na ang bahala dito" sigaw ko kay kuya Cole habang nagtatago sa likod ng pader sa villa ni Jose Olivares, at nakikipag barilan sa mga tauhan nito. Agad namang sumunod si kuya Cole sa iniutis ko. Tumakbo ito patungong second floor at sumunod naman dito ai Leander. Tiningnan ko ang paligid, maraming mga sundalo ang nagtatago sa pader, pinaulanan kami ng putok mula sa mga kalaban. gaganti na sana ako ng putok biglang tinamaan ang aking braso "s**t" mura ko habang namimilipit sa sakit. hinagilap ko si Eros ngunit hindi ko ito makita. Sinubukan kong magpa putok ulit ng baril sa mga kalaban ngunit sa kasamaa g palad ay naubusan ako ng bala "Lintik" mura ko. Tumingin ako sa mga kasama kong sundalo, marami sa mga ito ang naka bulagta na sa sahig. "Hindi ako maaring mamatay sa nasa ganitong sitwasyon" tumakbo ako papunta sa balkunahe, rinig ko ang sunod sunod na pagpapaputok ng mga kalaban at ramdam kong natamaan ang mag kabilang binti ko , ngunit pinilit ko parin na tumakbo. Nang marating ko ang balkonahe ay yumuko ako upang suriin ang distansya na aking babagsakan kung sakaling tatalon ako, tubig ang ilalim nito, naalala kong nkatayo pala ang ang villa na ito sa coastal cliff ng islang ito. Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang ang papalapit ng mga tauhan ni Olivaries habang nakatutuk ang mga baril nila sa akin. Umakyat ako sa baluster at walang pagdadalawang isip na tumalon. Inihanda ko ang aking sarili sa impact ng tubig sa oras na mag landing ako. 30 minuto ang nilangoy ko papalayo sa coastal area, alintana ang sakit na dinaramdam mula sa aking mga sugat bigla kong nakita ang palutang lutang na makapal at palapad na kahoy sa karagatan... agad akong lumangoy papalapit dito at iniahon ang sarili upang makahiga. nauuhaw ako at unti unti nang nauubos ang aking lakas, hanggang sa tuluyan nang dumilim ang aking paligid. napabalikwas ako ng bangon mula sa aking kinahihigaan, napaka sama ng panaginip ko. napatingin ako sa paligid ng kwarto ang nag taka, "nasaan ako?" mahina kong tanong sa aking sarili, naalala ko si willow. ,naaalala ko na kun sino ako, kaya pala palagi kong napapanaginipan ang sarili na naka suot ng military uniform, isa pala akong myembro ng US Air force 24th special tactics squadron. Naalala ko ang mga pinsan at mga kapatid ko pati na ang mga magulang ko, marahil ay labis na ang pagaalala nito sa akin, kailangan ko nang maka uwi sa lalong madaling panahon. bigla kong naalala si willow, Iiwan mo si willow? narining kong tanong sa kabilang parte ng aking isip. bakit ko naman siya dadalhin eh base ako sa america, eventually magkakalayo parin kami, sagot ko sa aking isip, "Pagiging militar ang buhay ko at hinding hindi ko hahayaang masira ito ng dahil lang sa isang babae, besides marami pa naman akong mahanap na babae na mas maganda. Tumayo ako at binuksan ang bintana, malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa akin buong katawan, yumuko ako upang suriin ang aking kabuoan, napagtanto kong wala ako ni kahit isang saplot sa katawan, naalala ko ang anyari sa amin ni willow kagabi "Bakit ko nga ba ginalaw ang babaeng iyon?" inis na tanong ko sa aking sarili. maganda siya oo, aminado naman ako doon, ngunit hindi siya kasing hot ng mga babaeng nadadala ko sa kama, sobra g sexy kung manamit, si willow ay sobrang formal at conservative, shes way out of my league, mas gusto ko ang babaeng wild sa kama, at madaling iwan kung sawa na, hindi naman ako nag seseryoso sa babae at wala akong mag seryoso sa kahit na sinong babae, pang kama lang talaga ang tingin ko sa kanila. Isinoot ko ang aking pantalon at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si willow na naghahanda ng almusal, tumingin ito sa akin at ngumiti "Goodmorning" bati niya "kain na" Hindi ko ito sinagot at umupo lamang sa bakanteng upuan at tahimik na kumain, nang matapos kaming mag almusal ay ako na ang nag hugas ng mga pinagkainan namin. Lumabas ako sa kubo at naupo sa ilalim ng puno ng mangga. "Jace?" tawag sa akin ni willow, habang papalapit ito sa aking kinaroroon. "Aries, Aries ang pangalan ko, hindi Jace" Malamig kong sagot sa kanya nang tuluyan na itong makalapit sa akin, natigilan ito nang marinig ang sinabi ko at tumitig sa akin, kita ko ang pag i iba ng expression nito, takot ang nakikita ko sa mga mata nito. "bumalik na pala ang ala ala mo" matamlay na tanong niya sa akin "Oo" sagot ko naman dito "Uuwi ka na ba?" tanong ni willow, ramdam ko ang lungkot sa mata at boses nito. ngunit kaylangan kong maging matigas hindi ako pwedeng maawa at magpadala sa kanya. Oo, malaki ang utang na loob ko sa babaeng ito, ngunit hindi basehan iyon upang manatili kami sa isat isa. kung sakali man ay masasaktan ko lamang ito ng paulit ulit. sa sobrang hilig ko sa babae at hindi nag seseryoso malamang ay masasaktan ko ito ng sobra. "seriously? tingin mo ba makakaya kong mabuhay sa lugar na ito? walang bar, walang babae, talagang uuwi ako" singhal ko dito, nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha nito, nakaramdam agad ako ng pagsisisi sa pag sigaw ko dito "Ganoon ba?" Mapait niyang sagot, agad na tumalikod ito at naglakad pa pasok sa loob ng kubo. Alam kong nasasaktan ito ngunit kailangan ko itong gawin upang hindi na ito umasa pa lalo na at nagalaw ko ito kagabi. 30minuits na akong naka upo sa ilalim ng puno ng mangga at hindi mapakali, hindi ako pinapakalma ng konsensya ko sa pag sigaw ko kay willow. wala sa isip na tumayo at nagtungo sa loob slng kubo, nadatnan ko itong nag tutupi bagong labang damit "look, I'm sorry, I mean hindi ko sinasadya na sigawan ka kanina" tumitig lamang ito sa akin "Ang pagiging militar ang buhay ko, hindi ko kayang ipag palit iyon sa kahit na sinong babae, alam kong malaki ang utang na loob ko sayo at nagpapasalamat ako sayo sa pag ligtas mo sa buhay ko, pero please, huwag kang umasa sa akin o sa atin, masasaktan ka lang" seryoso kong pahayag kay willow. tumitig ito sa mga mata ko bago nag salita "Naiintindihan ko" malamig na sagot nito at bumalik na sa pagtutupi. Lumabas ako ng kubo at nag tungo sa dalampasigan upang mag isip ng paraan upang maka uwi ng maynila , siguradong nag aalala na sila akin. nang marating ko ang dalampasigan ay nakakita ako ng bangka, maari ko itong gamitin pa puntang mainland, sabi ko sa aking isip ngunit na alala kong wala nga pala akong pera pang bayad sa pamasahe, nahiya na din akong humingi ng tulong kay willow. Kung tawagan ko kaya sila? tanong ko sa aking isip. ngunit paano? wala din akong phone, hindi ko nga din nakitang gumagamit si willow ng cellphone ni hindi ko nga alam kung may signal dito .hindi ko nga maintindihan kung pano nila nakayanang mamuhay sa lugar na ito, malamang ay hindi din sila naka pag aral. Naglalakad ako pa balik sa kubo ay hindi sinasadyang natama ang aking braso sa isang matalim na sanga ng maliit na puno ng bayabas. sinuri ko ang aking natamong sugat at nakitang medjo malalim ito. Nang marating ko ang kubo ay kita ang pag aalala sa mukha ni willow ng makita ang aking sugatang braso "anong nangyari sayo?" pag aalalang tanong nito, hindi ko siya sinagot. agad itong tumayo at kinuha ang first aid kit sa loob ng malaking box. akma niya kukunin ang aking braso upang linisin sana ang sugat ko ngunit agad ko itong iniwas sa kanya "ako na. kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ang tulong mo" inis kong sabi sa kanya. naiinis ako dahil nagmumukha akong lampa, agad na tumayo si willow at walang imik na lumabas ng kubo . Nilinis ko ang aking sugat at nilagyan ng bondages, nang matapos ay ibinalik ko ang kit sa nalaking baul na pinaglagyan nito. Lumabas ako sa kubo at palinga-linga, hinanap ng aking mga mata si willow ngunit hindi ko ito makita. Naupo na lamang ako sa upuan sa ilalim ng mangga, "Saan kaya si nag punta" Mahina kong tanong sa aking sarili, "Bakit ko nga ba siya hinahanap? kung ayaw nyang magpakita, edi wag" sagot ko naman sa sarili. Bigla ay naalala ko ang aking mga kapatid at pinsan "kamusta na kaya sila, naka survived kaya sila sa barilan doon sa villa ni Josie Olivaries?" tanong ko sa aking isip. bumuntong hininga na lamang ako Pumasok ako sa kubo at tiningnan ang orasan na naka sabit sa ding2x, "alas onse na pala" sabi ko. Pumasok ako sa kwarto upang kumuha ng damit na isusuot upang mamitas ng gulay upang ihanda sa tanghalian. pa labas na ako ng kwarto nang ng nakita ko ang isang lumang litrato sa bulsa ng bag ni willow, naka labas ang kalahati nito, na curious ako kayat kinuha ko ito at tiningnan, nabigla ako nang makita kung sino ang nasa larawab "Tita Willa?" napasigaw ako sa bigla. kamukhang kamukha nang babaeng nasa picture si tita Willa ang asawa ng kapatid ng aking ama na si ungcle connor at sampong taon nang naka base sa America. Bata pa ito sa litrato at halatang lumang luma na ito. "Baka kamukha nya lang" sabi ko sa aking isip at ibinalik ito sa loob ng bag. Lumabas na ako at nagsimulang mag hanap ng mga gulay na pipitasin. Nang matapos ay nag simula na akong mag luto ng tanghalian. habang nagluluto ay bigla kong naalala ang litrato na nakita ko sa bag ni Willow. magkamukhang magkamukha talaga si tita willa ang ang babaeng nasa litrato. Kung si tita willa nga iyon ay papaano naman makakarating ang litrato nito kay willow, napaka impossible naman kong sya nga iyon, Nang matapos akong kumain ay siya ring pagdating ni Willow, hindi ko ito pinansin. agad akong lumabas ng kubo at naupo sa ilalim ng punong magga. Habang nag papahinga ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko "Aries" pamilyar ang boses nito sa akin, dahan2x kong nilingon ang pinanggalingan ng boses, "Kuya? Insan?" mangiyak ngiyak kong sabi nang makita ang mga ito na naglalakad papalit sa akin. agad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila at isa2x silang niyakap, buti naman ay ok lang sila, "Kamusta kana? bakit hindi ka umuwi o tumawag man lang?" tanong sa akin ng aking kapatid na si Leander. "Patawarin nyo ko, kaninang umaga lang bumalik ang memorya ko" pahayag ko sa kanila "kung ganon ay nagkaroon ka ng amnesia?" Tanong ng pinsan kong si Zeus "Oo insan, tatlong buwan akong walang maalala" sagot ko naman sa kanila "Kuya Aries?" rinig kong sigaw ng bunsong kapatid namin na si Shyra habang tumatakbo papalapit sa kinaroroonan namin. agad ako nitong niyakap ng mahigpot "Na miss kita kuya" dagdag niya, hinayaan ko lamang itong yakapin ako habang pinagpatuloy ang pag uusap namin ng mga kapatid at pinsan ko. Natigil ang aming pag uusap nang biglang bumukas ang pinto ng kuba at iniluwa nito si Willow. natigilan ito ng makita kaming lahat sa labas, ng dumako ang tingin nito sa akin na naka yakap sa kapatid kong si Shyra ay nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha nito, agad naman niynag iniba ang kanyang facial expression at ngumiti "Ang ganda niya" Sabay na sabi ni Leander, Eros, Zeus at Damon. "Willow?" Rinig kong tawag ni kuya Cole dito. Nagtaka akong tumingin kay kuya Cole, papaano niya nakilala si willow? "Cole?" tawag naman ni willow kay kuya "Magkakilala kayo?" Taka kong tanong kay kuya "Siya iyong babaeng tumulong sa akin doon sa gubat ng aurora na muntikan ko nang ikinasawi" Sagot niya sa akin. Papaano naman makakarating si Willow sa gubat na iyon? tanong ko sa aking isip. Natatandaan ko ang sinabi ni kuya Cole na magaling ito sa pakikipaglaban, mula sa pag hawak ng baril, sa pag pana pati na sa self-defense. kung si Willow nga ang tinutukoy nito ay paano ito nakarating doon at isa pa isa pa hindi ko ito nakitang humawak ng baril o kahit mag ehersisyo man lang sa self defense?. sa tatlong buwan na pag tira namin na magkasama sa iisang bubong ay hindi ko pa nga ito lubusang kilala. "Siya iyon kuya? akala namin maligno yun?" Pabirong sabi ng kapatid kong si Leander "Hi, ako nga pala si Damon, pinsan ni Aries" pagpapakilala ni Damon kay Willow habang inilalahad ang kanang kamay nito, tinanggap ito ni willow at ngumiti. nakaramdam ang ng inis nang makitang hinahawakan ni Damon ang kamay ni Willow. "Willow" pagpapakilala nito sa sarili "Ang ganda mo naman, Maari ba kitang ayaing kumain sa maynila?" Seryosong tanong ni Damon sa kanya "Gago kaba? ang layo layo ng maynila sa Aurora" Si Eros ang sumagot. "May sarili akong helecopter, nakalimotan mo?" pilosopong sagot ni Damon kay Eros. ngumiti ito kay willow, hawak pa din nito ang kamay ni willow, Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa aking ulo, hindi ko na namalayan ang pag kuyom ng aking kamao " Umiuwi na nga tayo" irita kong sabi sa kanila "Sandali lang, hindi ko pa nakuha ang sagot ni Miss Goddess" Reklamo ni Damon "hindi Goddess ang pangalan nya Damon, at Hindi, iyon ang sagot niya dahil amrami siyang gagawin dito at wala siyang oras na lumuwas ng maynila" Pagalit kong sabi kay Damon. tumitig silang lahat sa akin "Galit ka?" tanong ni Damon sa akin, hindi ko na ito sinagot at nauna nang naglakad patungo sa Dalampasigan "Aalis na kami miss Willow, Salamat sa pag aalaga mo sa kapatid habang naririto siya at walang memorya" Narinig kong pagpapasalamat ni kuya Cole "Walang anuman iyon Cole" rinig kong sagot ni Willow. Shyra's P.O.V. Naglalakad kami patungo sa tinutukoy nilang bahay na tinitirhan ni kuya Aries, tatalong buwan na itong nawawala at may nakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan nito kaya't naririto kami ngayon at hinahanap ang sinasabing bahay nito, mmkasalukay kaming nag lakat sa mabatimong daan at hindi ako sanay na maglakad sa ganitong daan kaya't nahuli ako, nang lagpasan ko ang mabatimg daad ay malalaking puno na naman ang kailangan kong daan, pumasok ako sa mga kakahuyan, habang naglalakad ay may narinig akong yapak sa di kalayuan, napalingun ako dito, nakita ko ang isang malaking puno na sa tingin ko ay balete, napatakbo ako papalayo dito, s**t, may maligno yata dito, huminto ako sa isang malaking puno at huminga sandali, umikot ako sa likurang bahagi ng puno upang maghanap ng nakausling ugat upang mauupuan ko ng biglang sa akin ang isang gwapong lalaki na nakatayo rin sa likuran ng puno, sabay kaming napa sigaw, tatakbo na sana ako ng bigla akong hilahin nito at isinandal sa puno, tinakpan nito ang aking bibig gamit ang kanyang kamay "Ssshh" sabi niya, habang nilalagay ang hintuto sa mga labi nito, tinanggal ko ang kamay nito bibig ko "Gago kaba? bakit mo ako pinapatahimik?" Singhal ko sa kanya "Because you are so noisy, you are waking the environmental spirits" bulong nito sa akin, nanayo ang aking balahibo sa sinabi nito, so totoong may engkanto dito? tanong ko sa aking sarili, at bakit naman ako maniniwala dito, ni hindi ko nga ito kilal, baka nga pinagtitripan lang ako ng gagong to "bakit naman ako maniniwala sayo?" taray kong tanong dito "because I live here" Sabi niya sa akin, tumitig ako dito upang suriin kung nagbibiro lang ito, ngunit nakita kong bughaw ang mga mata nito, sinuri ko ang kabuuan ng mukha niya, lalaking lalaki ang feature nito, may matangos na ilong, chiseled jawline, makakpal na kilay at pilikmata, mayroon din itong athletic na pangagatawan, pwede itong maging perfect example ng isang greek god, greek, bughaw ang mga mata, hindi ito pinoy, sabi ko sa aking isip "Why? is there something on my face or you just realized how handsome i am?" Arogante nitong sabi, ngayon ko lang na realize english pala ang gamit nitong salita "taga dito, eh halata namang hindi ka pinoy" Sabi ko sa kanya "I live here for almost 4months" sabi niya niya sa akin "Pakialam ko ba?" Taray kong sabi sa kanya, iiwan ko na sana ang lalaking ito ng biglang may narinig akong kaluskos sa puno, agad akong napa yakap sa lalaking kaharap ko, tumawa ito "it was just a monitor lizard" sabi ng lalaki sa pagitan ng tawa "What?" sigaw ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko dito, tumawa ito lalo, itinulak ko ito at hinampas sa braso ngunit masyadong matigas ang braso nito kaya't ako nasaktan sa ginawa kong pag hampas, tumigil ito sa pag tawa at agad na kinuha ang akong kamay at sinuri, "does it hurt?" nag aalalang tanong nito, inagaw ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito at tumalikod at humakbang palayo, naka tatlong hakbang pa lamang ako ng bigla akong hinapit nito at inandal sa ulit sa malaking puno "Not so fast baby girl" sabi nito at hinalikan ako sa labi, nabigla ako sa ginawa nito, hindi ako maka galaw, ng matauhan ako ay pilit itinulak ngunit napakalakas nito, hinila nya ang aking baywang at idiniin ako sa kanyang katawan, nagpupumiglas ako ngunit wala rin itong epkto sa kanya. pilit nitong pinasok ang dila sa loob ang aking bunganga ngunit itinikum ko ang aking bibig upang hindi sya maka pasok, maya maya ay kinagat nito ang aking labi rason upang mapanganga ako at mapa ungol, kinuha nya ang uportinidad at ipinasok ang dila niya, "Mmmmhhh" ungol ko, hindi ko namalayang tumutugon na ako sa mga halik nito, hindi ko naman maipagkakailang masarap ang mga halik ng estrangherong ito, first time kong makatikim ng isang halik, maya maya ay naramdaman kong idiniin niya ang kanyang baywang sa akin at naramdaman ko na may matigas na bagay na naka diin sa aking puson, namilog ang aking mata ng marialize kung ano ang bagay na iyon, pinakawalan nito ang aking labi at ngumisi "If it isn't because of Eros I will take you right here" ngumiti ito at hinalikan ako sa ulo "Soon, you'll be mine" Sabi niya at naglakad papalayo sa akin, nagtaka naman ako sa sinabi nito, magkakilala sila ni kuya Eros? tanong ko sa aking isip. hinawakan ko ang namagang labi na kanina lang ay nahalikan ng Estranghero. Ng mapagtanto kong medjo matagal na ang tayo ko sa gilid ng puno habang nag iisip ay agad akong nag lakad, baka hinahanap na ako ng mga kapatid at pinsan ko. Nang makarating ako sa unahang bahagi ay may nakita akong kubo, lumapit ako sa kubo at nakita ko si kuya Aries na naka tayo sa gilid ng kubo habang kausap ang iba kong kapatid at mga pinsan, agad akong tumakbo papalapit dito "Kuya Aries" Sigaw konat niyakap ito ng mahigpit "Na miss kita kuya" sabi ko sa kanya, niyakap din ako nito ng mahigpit, biglang bumukas ang pinto ng pinto ng kubo at lumabas ang isang magandang babae, Napatingin ito sa amin, nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha nito ng makita kamong magkayakap ni Kuya Aries at agad din itong binura at pinalitan ng matamis na ngiti, poker face, sabi ng aking isip, lumayo ako kay kuya Aries "ang ganda niya" rinig kong bulong ni kuya Zeus, "willow?" Tawag ni kuya Cole sa magandang babae "Cole?" tawag din ng babae kay kuya cole "Magkakilala kayo?" Tanong ni kuya Aries, halata ang pagka bigla sa mukha nito "Siya ang babaeng tinutukoy ko na tumulong sa akin doon sa gubat" Sagot ni kuya Cole "Kung gayon ay totoo palang tao iyon? akala namin minamaligno kana non" pilyong sabi ni kuya Eros. Nagpakilala si kuya Damon sa babaeng nagngagalang willow at hinawakan ang kamay nito, nakita kong kumuyom ang kamao ni Kuya Aries habang nakatitig sa magkahawak na kamay ni Willow at ni kuya Damon, Napangiti ako. parang gusto ko na namang mag laro ng Match Making nito. sabi ko sa aking isip, nagawa ko na ito noon kay kuya Cole at kay Gaia and it turns out perfect, naalala ko noong pinilit ko si Kuya cole na tingnan ang aking paa at nangpanggap na masakit pa ito mula sa pagkakatapilo ko, may props pa akong sungkod nun, kayat lumuhod ito na parang mag propose ng kasal,m, alam kong paakyat na noon si Gaia patungong opisina nila ni kuya, hindi ako kilala ni Gaia bilang kapatid ni kuya Cole at alam kong mahal ito ng kapatid ko kaya't para magkaaminan na sila at malaman na pareho lang sila ng nararamdaman kaya ko nagawang pag selosin si Gaia. habang nasa himpapawid kami pauwi pa balik ng mansyon ay narinig kong nagsalita si Kuya Zeus "Mukhang mabigat ang loob mong iwan ang Girlfriend mo ah?" pilyong tanong ni Kuya Zues "Hindi ko siya Girlfriend" Seryosong sagot ni kuya Aries "Talaga? Kamusta naman ang nararamdaman mo sa kanya?" Tanong ni Kuya Leander kay kuya Aries "Huwag nyo nang itanong, wala akong gusto sa kanya, hindi ang tulad niyang babae ang magugustuhan ko" Malamig nitong sagot, Let's see then, sabi ko sa aking isip at ngumiti
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD