WILLOW'S P.O.V.
Kasalukuyan kaming bumabyahe kasama ng buong Delta Force patungo sa bagong lilipatan namin sa Quezon ayaw ko sanang umalis sa isla na iyon ngunit kailangan Isang linggo na lang kasi at isasagawa na namin ang planong pag lusob sa lungga ng Ni Marcelo de Asis ang Pinaka Malaking sindikato dito sa Pilipinas. At naisip kong sa mga araw na ipapalagi namin Quezon city bago isaga ang aming mission ay hahanapin ko ang aking ina.
"Earth to Willow" rinig kong sabi ni Andrei. agad akong lumingon dito. "I've been talking to you for about an hour and you're bot listening" reklamo niya
"Preoccupied about his boyfriend I guess" pilyong sabi ni Jason. hindi ako sumagot sa kanila.
Nang dumating kami sa building na iyon ay alas 8 na ng gabi nabigla ako ng makita si Eros ang Pinsan ni Aries. Agad akong nagtago sa isang upang hindi ako nito makita, sumilip ako upang makita kung ano ang ginagawa nito. Nakita kong uusap sila ni Jason, bigla akong napa lundag ng biglang magsalita si Andrei sa aking likuran
"You like him too?" sabi nito
"s**t" Mura ko sa kanya "You scared me to death" sabi habang hinahampas ang ibabaw ng aking dibdib. "I don't like him ok?" sabi ko "I need to hide or he'll find out that I'am here" Pahayag ko sa kanya.
"what about if he found you out here? is there any problem?" takang tanong nito sa akin
"I actually ran away from his cousin Yesterday, I don't want him to know that I am also working in US special force" ulit kong pahayag sa kanya
"oh, you mean Aries" tanong nito
"yes" sagot ko lamang dito. Kung si Leander lamang ito ay hinding hindi ko ito pagtataguan. tanging si Leander lamang ang nakakaintindi sa sitwasyon ko. Nang maka Alis na si Eros ay saka narin ako naka hinga ng maluwang. Agad akong umakyat at nag hanap kwarto na maari kong gamitin ng makapag pahinga narin ako.
kinabukasan ay umalis ako at nag tungo sa isang malapit na mall. may nakita akong OBgyne clinic sa loob ng mall naisip kong magpa prenatal. habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko ay nabigla ako ng may biglang tumabi sa akin, lumingon ako sa kanya at nagtaka, sinuri ko ang mukha niya, napaka gwapo nito at matikas ang katawan.
"Miss mag panggap kang asawa ko?" utos nito sa akin, kumunot ang aking nuo
"What?" inis kong tanong sa kanya, sino ba siya para utusan ako? tanong ko sa sarili
"May babaeng humahabol sa akin, ayaw ko kasi sa kanya" nagmamadali nitong sabi ,hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. Sya namang pagdating ang babaeng tinutukoy niya, napakaganda ng babae at disente itong tingnan kung tutousin ay maihahalintulad ang pustora at galaw nito kay maria klara
"Dan?" tawag nito sa lalaki "kanina pa kita tinatawag" sabi niya, nagmapagtanto niyang mag katabi kami havang hawak hawak nito ang kamay ko ay nagtaka ito "Sino siya?" Mahinhin niyang tanong, Maria Clara nga, sabi ko sa aking isip, ultimo ang paraan ng pananalita nito ay parang si Maria clara
"Asawa ko" Inis na sagot ng lalaking katabi ko, nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha ng babae
"Ganun ba?" malungkot nitong sabi, humarap ito sa akin at ngumiti, napakaganda niya, sabi ko sa aking isip, halos lahat ng tao dito sa labas ng clinic ay namamangha sa ganda nito, pati yata ako ay magkakagusto dito. inilahad nito ang kanyang kamay sa akin, tinanggap ko naman ito, "I am Summer" pagpapakilala nito habang naka ngiti
"Willow" pagpapakilala ko sa aking sarili
"It's nice to meet you Willow" sabi niya, tumango lamang ako
"sige, alis na ako, may pupuntahan pa kasi ako" sabi niya saka tumalikodbat at umalis, tumingin ako sa aking katabi
"Ang ganda niya" Sabi ko sa kanya
"Hindi ko siya type" sagot sa akin ng lalaki, inilahad nito ang kanyang kamay
"Dan" pakilala nito, tinanggap ko ito at pinakilala ang aking sarili, luminga linga ito at parang may hinahanap
"Asan na asawa mo?" tanong nito, marahil ay nagtataka ito kung bakit ako mag isang naka upo at naghihintay dito gayong lahat ng mga babaeng na nandirito ay kasa kasama ang mga asawa nila.
"wala eh, ayaw niya sakin" sagot ko lamang sa kanya.
"Ganon ba?" sabi niya "So since tinulongan mo ako kanina then how can I repay you?" tanong nito, tumawa ako
"Hayaan mo na, wala yun" ang tanging sagot ko sa kanya
"No, I have to repay you, magsabi kalang, kahit isa" insist nito, tumingin ako sa gwapong mukha niya pababa sa suot nito, ngayon ko lang napag tanto na naka tuxedo pala ito. malamang ay mayaman ito. Business man? tanong ko sa aking isip.
"Fine, Food? " pabiro kond sabi
"Sure, Lets dine into a fine restaurant then?" sagot nito, tinitigan ko ito, Seryoso ba ito?
"Seryoso kaba?" Natatawa kong tanong sa kanya, ang akala ko ay nabibiro lamang ito.
"I will wait for you here" Sabi lamang nito.
Maya maya ay tinawag na ako ng secretarya, pumasok ako sa loob ng Clinic at agad akong ininterview ng doctor. tinanong nito kung kailan ang last na regla ko, sinagot ko nman ito
"ang due mo ay july 14, two weeks before or two weeks after" pahayag nito sa akin, tumango lang ako "kailangan mo munang mag bed rest dahil at this stage of pregnancy ay hindi pa masyadong kumakapit si baby at prone sa miscarriage kaya kailangan mong uminum ng pangpakapit, but hindi ibig sabihin na pag uminum ka ng pangpakapit ay malakas na ang kapit ni baby, kailangan mo paein mag bed rest, huwag i stress ang sarili at kumain ka ng healthy food" dagdag nito. bigla akong kinabahan, kung gayon ay hindi ako maaring sumama sa mission. "kailangan na muna kitang i ultrasound upang makita natin ang kalagayan ni baby sa loob" sabi nito, pinapasok ako nito sa loob ng ultasound room, ipahubad ang pang ibabang suot ko at pinasuot ng labgown bago pinahiga sa maliit na kama. nang mahiga ay nag simula na itong mag perform ng ultrasound, pumikit ako dahil alam kong ipapasok nito ang transducer sa loob ng p********e ko. Nang maipasok na nito ay agad na lumabas sa screen ng monitor ang imahe ng anak ko sa loob ng sinapupunan ko. napaluha ako ng makita ito, "Ito siya" turo ng doctor sa screen, Anak? hindi parin ako maka paniwala, magiging ina na ako, naka ramdam ako ng fluttering sensation sa aking tyan pa akyat sa aking dibdib, nakikiliti ako sa sensasyon na ito. "Right Uterus" Sabi ng doctor "i check natin ang heartbeat" dagdag niyang sabi. narinig ko ang malakas na t***k ng puso ng anak ko, "Wow, healthy si baby" manghang sabi ng doctor. Nang matapos na ay pinag bihis ako nito at pinaupo sa upuan "may ibibigay akong resita sayo at ito ay mga vitamins na kailangan mong inum, para ito sa inyong dalawa ni baby, Obimin, you have to take this once before bedtime, and Calvin, once after breakfast, and i suggest na uminum ka ng Maternal milk" dagdag nito. Tumango lamang ako. Pagkalabas ko ng Clinic ay nakita ko si Dan na tahimik na naghihitay habang nakaupo sa tabi. ng makita niya ako ay agad siyang tumayo.
"Kamusta?" tanong nito
"Ayos lang naman" nakangiti kong sabi,
"Lets go?" aya nito sa akin. Nag lakad kami patungo sa Parking Area, Pinag buksan ako nito ng pinto, ngumiti ako sa kanya, ang gentleman naman ng poging ito.
"Hindi mo naman siguro ako kikidnapin, nako ngayon palang sasabihin ko sayo wala akong pera, wala akong pamilya, kaya wala kang makukuha sakin" hingal kong sabi. Natawa naman ito
"Hindi ko kailangan ng pera, hindi sa pagmamayabang pero marami akong ganyan" pabiro nitong sagot
"So anong Kailangan mo?" tanong ko, biglang sumagi sa isip ko ang mga cases ng rape. s**t. mura ko sa sarili. Pero hindi naman siya mukhang rapist. nakaramdam ako ng takot sa maaring gawin nito sa akin. rinig kong tunawa ito ng malakas na para bang nababasa nito isip ko.
"don't worry baby" sabi nito sa pagitan ng tawa "I have so many girls that are willing to throw there bodies on me, and are willing to do everything just to be in my bed" pagmamalaki niya. "kaya hinding hindi ko gagawin sayo yang iniisip mo" dagdag pa niya. agad akong nakaramdam ng hiya. hindi nya nga pinatulan ang napakagandang babae kanina ako pa kaya.
"Unless you're willing, I will not refuse baby doll" malandi nitong sabi at kumindat pa.
"Are you flirting with me?" seryoso kong tanong sa kanya
"Is it working?" nakangisi niyang sabi. sinamaan ko ito ng tingin. tumawa lamang ito ng malakas
Nang makarating kami sa Manahaling restaurant Ay agad akong pinag buksan ni Dan ng pinto. nagmistula akong prinsesa sa trato nito sa akin. Nang papasok na kami sa Restaurant biglang na sagi ng isang lalaki ang bitbit kong bag at nahulog, at dahil hindi ko ito naisara ay aksidenteng nabuhos ang laman nito at kumalat sa lupa. agad ko itong pinulot. Tinulungan ako ni Dan ngunit bigla itong tumigil ng makita ang Litrato ng aking ina. Hiyaan ko lang ito at tinapos na ang pagliligpit sa nakakalat kong gamit. Nang matapos ay kinuha ko ang litrato sa kamay niya.
"She's my mother, I never had a chance to be with her. baby palang ako ay iniwan nya na ako kay dad" malungkot kong sabi sa kanya, hindi ko alam kong bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking, it is uncanny for me to trust a man whom I only meet for an hour. Tumitig lamang ito sa akin
"Anong pangalan nya?" tanong niyo
"Willa, Willa Montalban ang buong pangalan nya" sagot ko sa kanya
"Dan Montalban" Rinig kong sigaw ng isang gwapo sin na lalaki habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Montalban din ang apelyedo ni Dan? baka kilala niya si mommy? or baka kaanak ito ng demonyong si Aries. Sabi ko sa aking Isip
"Rorke Chavez, Pare kamusta?" nakangiting tanong ni Dan sa lalaking nagngagalang Rorke.
"Ayos lang Pare, ikaw? kailan kapa rito?" magka sunod na tanong ng lalaki.
"Last week pa" sagot nito. dumapo sa akin ang tingin ng lalaki
"Hi" bati nito sa akin "ang Ganda mo naman" puri niya bago kumindat, charmer, sabi ko sa aking isip. "Girlfriend mo?" tanong nito kay Dan ng naka ngiti
"this is Willow, half sister ko" sagot nito. Kumunot ang anking noo, napatawa ako sa sinabi ni Dan, half sister, loko loko yata tong tao na ito
"Oh, hi Willow, it's nice to meet you" kinuha nito ang kanang kamay ko at hinalikan. nabigla naman ako sa ginawa nito
"Pare, itigil mo nga yan, hampasin kita e" inis na sabi ni Dan
"But I like her, Can I court her?" Pilyo nitong tanong
"Tang ina mo" mura ni Dan, akma nitong kukutusan si Rorke ngunit naka takbo na ito papalayo, habang tumatawa ng malakas.
"Tara, pasok na tayo" Aya ni Dan sa akin, agad naman akong sumunod sa kanya