ARIES'S P.O.V.
Nagising akong masakit ang ulo dahil sa hang over, naging routine ko ang pag iinum gabi-gabi mag mula nang umalis si willow isang linggo na ang naka lilipas. Gusto kong kalimutan ito ngunit hindi siya mawala sa isipan ko, nasasaktan ako at nanghihinayang. Sinisisi ko ang aking sarili sa mga nangyari. kung hindi ko lamang ito sinaktan di sana naririto pa ito ngayon sa mansyon. Kung sana ay hindi na lamang ako nakinig sa lintik kong utak at kung sana ay hindi ko sinunod ang isipang makakagulo siya sa propesyon ko. kung sana ay nakinig ako sa nararamdam ng puso ko di sana ay masaya kaming nagsasama ngayon. wala e, nagpakampante ako at pinaniwala ang sariling walang sinumang babae ang makakabihag ng aking puso, na walang babae ang makakagaw sa pagmamahal ko sa aking propesyon at dahil dito ay Nasaktan ko ang kaisa isang babaeng minahal ko, Gusto kong mag wala, gusto kong saktan ang sarili ko, ngunit nangyari na, wala na akong magagawa kundi ang hanapin at humingi ng tawad dito. .
Ngayon ay natatawa ako sa sitwasyon ko ang dating siga at playboy ay heto ngayon lugmok na lugmok at desperadong si willow. Ngayon ko lang natanggap sa sarili ko na mahal ko si Willow. at ngayon ay naniniwala na ako sa kasabihang Nasa huli ang pagsisisi.
Isang linggo ko nang pinapahanap si willow at kahit mga kapatid at pinsan ko ay tumulong na rin sa pag hahanap, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakaka alam sa kinaroroonan nito. wala na rin ito sa Islang tinutukulan niya, nakapagtataka lang dahil lahat ng taong nakilala ko sa isla ay wala na rin doon.
"Aries?" Tawag ni mommy sa akin, hindi ko namalayan ang pag pasok nito. Lumingon ako dito, Bigla akong nagtaka kung bakit ito naririto gayong hindi ako kinakausap nito magmula noong isinugod si Willow sa hospital. sa pagkakaalam ko ay galit ito sa akin.
"Bakit po?" Taka kong tanong sa kanya.
"Ilang araw kanang balisa, at gabi-gabi na lamang ang pa iinum mo. Sinisira mo ang katawan mo" Mahina nitong sabi. Hindi ako sumagot. Tahimik lamang akong naka tingin sa labas ng bintana.
"Anak?" tawag nito ulit sa akin. hindi ako lumingon sa kanya. tinitigan ako nito
"Babalik pa kaya siya ma?" bigla kong tanong sa kanya, ipinikit ko ang aking mga mata at nakita ang nakangiti na mukha ni willow, napakaganda nito.
"Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo anak" sabi ni mommy "Takot na iyon sayo anak, siguradong gagawin niya ang lahat huwag lamang mag cross ulit ang inyong landas, lalo pa at buntis siya sa anak ninyo" pahayag nito. tama ito, nalala ko kong paano ko ito nasaktan, naalala ko ang mukha niya habang humihingi ng tulong, umiiyak, nasasaktan. biglang bumuhos ang luha sa aking mga mata
"Mapapatawad nya pa kaya ako?" wala sa isip kong tanong kay mommy habang humihikbi. Ngumiti ito
"kahit gaano pa kalaki ang kasalanang nagawa mo sa kanya, kung talagang mahal ka niya, papatawarin at papatawarin ka niya. Lagi mo lang tatandaan na hindi madali ang magpatawad, mangingibabaw muna ang galit bago ito tuluyang malusaw. kaya't huwag na huwag mo siyang susukuan, dahil pag sumuko ka, talo ka. mahal na mahal ka Willow anak, nakikita ko sa mga mata at sa kilos niya. ilang beses mo na ba siyang ininsulto sa harap ko, tinanggap niya pa rin iyon kahit walang katotohanan, nasasaktan siya, ngunit hindi siya gumanti kahit isang beses, dahil ayaw niyang maramdaman mo ang nararamdaman niya. ramdam ko ang dinadamdam niya Anak dahil walang pinag kaiba ang pinagdaan naming dalawa patungkol sa lalaking minahal namin" Malungkot na sabi ni mommy. hindi ko mapigil ang pag daloy ng aking luha. Nasaktan ko siya ng sobra. tumingin ako kay mommy, may sakit na bumalatay sa mukha nito. tumayo ito at humakbang palabas ng kwarto. hindi ko alam ang pinagdaanan nito sa kamay ni daddy, marahil ay nasaktan niya rin ito ng sobra.
kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si detective
Fernadez, ang inutusan kong maghanap kay Willow.
"Mr. Montalban?" Sagot nito sa Cellphone
"Detective, May inpormasyon na ba?" Seryoso kong tanong dito
"meron boss, lumipad ito patungong North Carolina, at sa nakita ko sa cctv ay hindi siya nag iisa, marami siyang kasama" Sagot nito. Napakunot ang aking noo sa sinabi nito
"North Carolina?" Taka kong tanong sa kanya, Anong gagawin ni willow sa North Carolina? taka kong tanong sa aking sarili
"Opo boss" sagot nito, pinatay ko ang tawag upang makapag isip. Akala ko ba taga isla siya bakit, paano siya naka punta ng US? taka kong tanong sa aking sarili. Kinuha ko ulit ang aking cellphone upang tawagan ang headquarter ng 24th special tactic squadron, agad silang sumagot
"Lt. Aries Montalban speaking, Can I speak to Major General Scott?" tukoy ko sa Deputy Commander ng 24 special tactic squadron. pinahintay ako nito upang i transfer sa linya
"Major General Scott speaking" rinig kong sagot nito sa Linya
"Major General? this is Aries Montalban" Sagot ko dito
"Lt.? how are? done your vacation? ready to go back into battle field?" pabiro nitong tanong.
"Yes, Major General, I am ready" pagsisinungaling ko dito, ang totoo ay hindi pa ako handang bumalik, gusto mk munang hanapin si Willow bago ako bumalik sa trabaho. ngunit nang malaman kong nasa North Carolina ito nag tungo ay kaylangan kong bumalik sa trabaho upang mahanap ko ito
"Great, I will ask the office to process all the transactions needed for you get here in North Carolina headquarters, they will call and give you the informations nedeed" pahayag nito
"Thank you Major General" pagpapasalamat ko sa kanya. Nang matapos na kaming mag usap ay agad akong naligo at bumaba upang kumain, nabigla silang lahat ng makita akong bumaba.
"Aries?" Tawag sa akin ni Kuya Cole
"Kumain kana" aya naman sa akin ni Leander
"Naupo ako sa may bakanteng upuan at kumuha ng kaninbat ulam. bigla kong nalala si Willow ng makita ko ang ulam gulay, ito ang pabiritong ulamin ni willow. naalala ko ang mga tanim nitong gulay. gusto kong tumira sa ganoong lugar, maraming tanim na gulay at prutas, at malapit lang din ang dagat, sabi ko sa aking isip. kung bibilhin ko nalang kaya ang islang iyon? tanong ko sarili. tama, bibilhin ko iyon para kay Willow. Sabi ko sa aking isip.