Willow's P.O.V.
"Willow?" tawag sa akin ni Leander habang nagmamaneho ng sasakyan patungong Aurora, Lumingon ako dito
"Bakit?" Tanong ko dito
"if by any chance that my brother will ask for your forgiveness, will you accept it?" seryoso nitong tanong
"hindi ko alam Leander" sagot sa kanya at yumuko, hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ba si Aries kung sakali mang hihingi ito ng kapatawaran, ngunit hindi naman siguro mangyayaring hihingi ito ng tawad, dahil galit na galit iyon sa akin sa di ko alam na dahilan
"Mahal ka ni Aries Willow" bigla niyang sabi, tumingin ako dito na parang nasisiraan na ito ng bait
"Are you out of your mind? he was about to kill me and you're assuming he's inlove with me? I wasn't informed that the difinition of love has change into killing someone whom you are inlove with" Sarkastiko kong sagot sa kanya
"Mahal ka nya, hindi nya lang matanggap na tinalo siya ng nararamdaman niya, hindi niya matanggap na mahal ka niya" sagot niya sa akin, tumawa ako ng malakas sa pag aakalang nagbibiro lamang ito, tumahimik siya kayat lumingon ako upang tingnan ito, napaka seryoso ng mukha nito habang nagmamaneho, tumahimik na lamang ako at yumuko. wala na rin itong imik sa buong byahe.
nang makarating kami sa dalampasigan ng Borlongan Aurora ay natagpuan kong nag hihintay sa akin si Andrei sa dalampasigan at kasama ang isang motor boat na nakatali sa tabi ng dagat. nagtaka ako hindi ko naman ito tinawagan, pano nito nalaman na pa balik ako ng isla?
"Andre?" taka kong tanong
"Tinawagan ko siya Willow, Alam kong myembro ka ng Delta Force sa US. nakita ko to sa bag mo" sabi nito sabay abot ng aking US Military I.D. Card at ang Delta Force Badge kasama ng wallet ko "Sorry, pinakialaman ko ang gamit mo, naisip kong importante yan kaya't dinala upang ibigay sayo" Sabi nito
"Salamat" pagpapasalamat ko dito, agad kong kinuha ang gamit na iniabot nito "magkakilala kayo ni Andrei?" tanong ko
"Oo, kasamahan siya ni Eros dati sa US Airforce, nagkasabayan sa isang party" pahayag nito
"Maraming salamat Leander, tatanawin kong utang na loob ang pag tukong mo sa akin" sabi ko sa kanya
"Walang anuman willow, mag iingat ka sa mission nyo"
Sabi nito, lumingon ito kay Andrei sabay tango at tumalikod
"Leander" tawag ko sa kanya, lumingon ito "Maari bang huwag mong ipa alam kay Aries na myembro ako US armed forces" pakiusap ko sa kanya
"Makakaasa ka" sabi nito sabay ngiti "and one morething, ingatan mo yang pamangkin ko sa loob" sabi nito habang turo niya ang aking tyan, ngumiti ito bago tumalikod. nagtaka ako sa sinabi nito, pamangkin sa loob.
"s**t" mura ko nang ma realized ang sinabi nito, buntis ako? what? buntis ako sa anak ni Aries? no. it can't be!
"Willow?" tawag sa akin ni Andrei, lumingon ako sa kanya "We have to go back in the island"sabi nito, tumango lang ako at nag lakad papunta sa kinroroonan ng pump boao, tinulongan ako nitong umakyat bago pinaandar ang makina. tahimik lang ako sa buong byahe, hindi mawala wala sa isip ang sinabi ni ni Leander, Ingatan mo yang pamangkin ko sa loob.
LEANDER'S P.O.V.
Habang pauwi ay di ko mapilang mag alala sa magiging pamangkin ko kay Willow. lalaki ito ng walang kinikilalang ama. kasalanan din naman kasi ito ni Aries.
"s**t" napamura ako sa gulat nang biglang mag ring ang cell phone ko. tiningnan ko ang caller, si mama bing ito, ang babaeng kumupkop at nag aruga sa akin sa loob ng limang taon noong nawala ako dahil sa kakulitan ko dalawamput dalawang taon na ang nakalilipas. walong taon ako noon.
sasagutin ko na sana ang tawag niya ngulit nag end na ito.
natatandaan ko pa ang saya ko non dahil namamasyal kami ni mommy sheryl sa hacienda ng aking lolo at lola dito sa Aurora, habang nag uusap sina lola at mommy ay naisipan kong mag lakad lakad, hindi ko namalayan na ang layo na pala ng nilakad ko, naisipan kong bumalik noon ngunit nakakita ako ng paru-paru napakaganda ng kulay ng paru-paru kaya't naisipan kong hulihin ito, takbo ako ng takbo habang nakatingala dahil sa hinuhuli ko ang napakagandang paru-paru sa di inaasahang pangyayari ay nahulog ako sa isang bangin at nawalan ng malay. pagka gising ko ay wala akong maalala, si mama bing at ang asawa nito na si papa dong ang kumopkop sa akin. napakabait ni mama bing at papa dong, tinuring ako nila na parang isang tunay na anak, may isa silang anak na babae at tinuring ko din ito bilang isang tunay na kapatid. nakatira sila sa isang kubo sa loob ng hacienda villaruel dahil isa sila sa mga taong tagapangala ng mga tanim na prutas sa loob ng hacienda. habang tumatagal ay natutunan ko narin ang mga trabaho na ginagawa nila papa dong at mama bing, kayat kung may pagkakataon ay tumutulong ako sa kanila kahit na hindi nila ako pinapatulong.
Biglang nag ring ulit ang aking cell phone.
"Mama?" agad kong sagot sa linya
"Anak? kamusta kana? matagal kanang hindi nadalaw dito?" sunod sunod na tanong ni mama bing
"May problema kasi mama, nawala kasi ang kapatid kong si Aries ng tatlong buwan, hindi kami tumigil sa paghahanap, at ngayon may aayusin pa akong sa trabaho" rason ko sa kanya, Ayaw ko talagang bumalik ng hacienda villaruel dahil kay Athena Villarruel, ang spoiled brat na apo nina doña nina at don Victorio Villaruel.
"A, ganun ba?" malungkot na sagot ni mama, "Sige anak pasyal ka nalang dito kung kailan ka bakante.
"Baka po sa susunod na araw mama, papasyalan ko po kayo dyaan" sagot ko dito
"Sige anak, mag iingat ka palagi jan ha? miss kana ng papa mo" sabi nito sa akin sa linya
"Miss ko na rin po kayong tatlo ma, pangako sa susunod na araw uuwi ako jan" pangako ko kay mama bing bago nag paalam.
Naalala ko si Athena, Unang kita ko sa kanya ay hangang hanga ako sa kagandahan nito labing dalawang taon ako noon ng makita ko itong naglalaro sa hardin ng hacienda, napakaganda nito, marahil ay nasa pitong taong gulang ito noong araw. nang makita ako nito habang naka titig sa kanya ay bigla itong nagalit.
"anong tinitingin tingin mo jan?" sigaw nito sa akin, agad akong tumalikod at umuwi, napaka sungit nito, ngunit hindi pa doon nagtapos ang paghanga ko dito, araw araw ay humahanap ako ng paraan upang makita ito nang hindi nito namamalayan hanggang sa dumating ang araw na nakilala ko ang nakakatandang kapatid nito na si Tatiana, napakaganda din nito at napaka bait, naging matalik kami na magkaibigan. Tuwing hapon ay naglalaro kami ni Tatiana sa dalampasigan, habang si Athena naman ay naglalarong mag isa sa hardin. Masaya ako sa mga panahong iyon hanggang sa nahanap na ako nila mommy at daddy at kaylangan na nila akong dalhin pa balik ng maynila, nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko na makikita ang magandang mukha ni Athena. Subalit nakiusap si mama bing sa kanila, na kung pwede sana ay magbabasyon Ako kada buwan sa Hacienda Villaruel, pumayag naman ang aking mga magulang.
Tuwing babalik ako ng hacienda Villaruel ay naglalaro kami ni Tatiana, habang nagnakaw ng tingin kay Athena.
"May gusto ka kay Athena ano?" tanong sa akin ni Tatina
"Ang sungit niya" reklamo ko
"Ganyan talaga yan, loner kasi yan" sabi naman nito
"Ang cute niya" sabi ko habang naka titig kay Athena. Tumawa lamang si Tatiana
Noon ay sobra ang paghanga ko kay Athena kahit na masungit pa ito. ngayon ay sobra ang galit na nararamdaman para dito
Natatandaan ko pa noong nilapitan ko itong sa tabi ng batis upang tulungan na makuha ang latigo na naka sabit sa isang puno, labing walong taon ako noon habang ito ay nasa labing apat na taon.
"Senyorita Athena, Ano pong ginagawa nyo?" tanong ko, kahit alam ko naman kung ano ang ginagawa nito
"Hindi mo ba nakikita? gusto kong abutin yang latigo, kunin mo nga!" sigaw ni sa akin, Agad ko naman itong sinunod, nang makuha ko ang iniabot ko ito sa kanya, akma akong tatalikod ng bigla ako nitong hinampas ng latigo sa likod, napaluhod ako at namilipit sa sakit.
"Hampaslupa" sigaw nito sa akin, bago tumalikod at nag lakad pa balik ng hacienda. naramdan ko ang dugo na dumadaloy sa akin likod
"F*ck you Athena" gigil kong sigaw. kinuyom ko ang aking kamao sa galit. mula noon ay nawalan na ako ng ganang makita ang pagmumukha nito. sa tuwing uuwi ako sa kubo nila mama bing ay sa kabilang gate ako dumadaan kung saan malayo sa bahay nila.
Napaigtad ako ng mag ring ulit ang aking cell phone, si Chase isa matalik naming kaibigan
"Saan ka? pumunta ka dito sa bar ni Alvin, lasing na lasing si Aries" bungad nito sa linya, buti ba lamang ay nasa maynila na ako
"Kakarating ko lang ng maynila, papunta na ako" sabi ko at pibatay ang linya, lumiko ako ng daan upang makarating sa Bar ng mabilis. tinawagan ko agad si kuya Cole upang humingi ng tulong. Agad naman nitong sinagot ang tawag
"Kuya? si Aries nasa Bar daw ni Alvin, sobrang lasing" sabi ko dito,
"Sige pa punta na ako" sabi nito at pinatay ang tawag. ng marating ko ang bar ay siya ring pag dating ni kuya Cole, agad akong lumabas ng sasakyan. Papasok na sana kami ng sa loob ng bar ng biglang naka rinig kami ng sigaw
"Willow?"Rinig naming sigaw ng isang pamilyar na boses, napalingon kami sa pinagmulan nito.
"Aries?" Sigaw ko ng makita itong lumalakad patungo sa safety wall ng tulay. agad kaming tumakbo patungo dito. nakita naming narating nito ang safety wall habang tinatakbo namin ito,
"Willow" sigaw nito ulit, dumungaw pa ito sa ilalim ng tulay at parang may balak itong tumalon, buti na lamang naabotan iton ng aking kamay bago pa ito maka akyat sa ibabaw ng safety wall
"Aries? ano bang nangyayari sayo?" siagaw ko dito habang hinihila ito palayo ng tulay
"Si willow, tumalon siya sa tulay, nakita ko" mangiyak ngiyak na sabi nito
"lasing kalang Aries, umuwi na tayo" sabi ni kuya Cole habang hinihila ito papuntang parking lot
"No, please tulongan nyo si willow, tumalon siya sa ilog kuya, please" paki usap ni Aries kay kuya, Hindi muna sumagot si kuya Cole at tila nag iisip ng isasagot.
"fine tutulongan kita, pero umuwi kana, Sasamahan ka ni Leander pauwi, ako ng bahala dito, hahanapin ko si Willow, ok?" promiso nito kay Aries. tumango lamang ito at sumunod sa amin hanggang sa maka pasok sa loob ng sasakyan.