WILLOW'S P.O.V. "Don't leave me" Pakiusap ko kay Aries ng akma itong aalis. Nanginginig pa din ang aking katawan sa takot. Hindi pa man nawawala ang takot ko kay Aries pero mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko dahil sa naranasan ko kanina, pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag iwanan akong mag isa sa bahay na ito. Wala na akong ibang choice kundi ang pakiusapan itong manatili kahit ngayong gabi lamang. Bukas na bukas ay Makikiusap ako kay Jenny, isa sa kasamahan ko sa Delta Force na samahan ako dito sa bahay. Hindi parin nawawala ang aking pangamba na baka saktan ako ni Aries habang naririto ito sa loob ng bahay, ngunit naisip ko ang namumuong sanggol sa aking sinapupunan, Hindi nya naman siguro papatayin ang sarili niyang anak. Ito din marahil ang dahilan kung bakit nagbago ang

