Aries's p.o.v. Naka upo ako habang nagkakape sa may Veranda ng aming kubo. Kakatapos lang namin mag meeting tungkol sa mission. Nakita ko si willow na naka upo sa veranda ng kubo. Napakaganda nito, hindi ko alam kong bakit gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko ito. Gusto gusto kong mayakap ito ulit. Ngunit natatakot ako na baka magalit ito sa akin. masaya ako at may improvement na nangyayari sa pagitan namin ni Willow. hinahayaan na niya akong maka pasok sa bahay nito, madalas ko itong ipagluto at kinakain niya naman lahat ng mga niluto ko. kinakausap na rin ako nito ngunit limitado lamang ang kanyang sinasagot, naglalagay din ito ng distansya kapag malapit kami sa isa't isa, para itong nag lalagay ng harang sa pagitan naming dalawa. "hey?" tawag sa akin ni Gilbert. Lumingon ako

