"Nanay please daan po muna tayo sa park,gusto po naming maglaro!" pangungulit sa kanya ni Bella nang huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang malaking children's play house .Maraming mga bata ang naglalaro sa loob, na kita rin naman nila dahil wall glass ang palaruan na iyon. "Oo nanay kahit ilang minutes lang po,promise kapag sinabi niyo pong time is up,uuwi na po tayo! "sabad naman kaagad ni Zyon. Napabuntunghiniga siya ."Sige,pero sandali lang tayo ah? Manong, dumaan na po muna saglit!" aniya sa driver ng sasakyan. Tumango lamang ito at iniliko na ang sasakyan patungo sa direksyon ng palaruan.Kita naman niya ang saya sa mukha ng mga bata. Nagbayad na muna siya sa may cashier bago pinapasok ang mga bata sa loob. Nakaupo lamang siya sa labas at naghihintay sa mga bata habang sinis

