"K-Kuya, p-parang ayaw ko na.Ang daming tao!" sambit niya Kay Charles habang nakayakap sa braso nito.Nasa backstage sila at sumisilip sa mga guest na nakaupo sa mga mesa. Ito na ang gabi na ipapakilala siya bilang isang Brown sabay ang launching ng Executive Perfume brand ng mga Brown. Akala niya ay kaunti lamang ang nandoon pero taliwas pala sa expectation niya dahil napakaraming mga tao ang nandoon na ngayon kahit na maaga pa lamang.Isang oras pa naman bago magsisimula ang programa pero halos mapuno na ang mga upuan sa loob ng hotel.Kinakabahan siya dahil hindi naman siya sanay sa ganitong mga event. "Kuya,sandali lang ah,lalabas na muna ako." aniya sa kapatid .Nagpaalam siyang lalabas na muna.Gusto niyang magpahangin saglit.Ang mga anak niya ay hindi na muna niya isinama, hiniling tal

