Magdalene's point of view
Hindi ko pa rin nalilimutan ang mapait kong nakaraan, nagsimula sa maliit na alitan at nauwi sa gantihan. I was too naive back then. Kapag naiisip ko ang mga naging desisyon ko noon, minsan napapatanong ako kung mali ba ako? Makatarungan lang naman ang mga ginawa ko dati, sadyang may mga tao lang talagang hindi tanggap ang pagkatalo at dinadaan sa hindi makatarungang paraan. Iyong mga gamit kong unti-unting nauubos at nawawala, kapag uuwi ako sa bahay ay magpapabili ulit ako kay nanay, si nanay naman ay magtataka kung bakit paulit-ulit akong nagpapabili ng mga gamit na nabili niya na. Minsan naubusan nalang ako ng idadahilan, mananahimik nalang ako sa isang tabi at papakinggan si nanay sa pagtalak. Kahit minsan ay hindi ko inamin ang totoong dahilan, mas lalaki lang kasi ang gulo at baka mas lalo akong mapag-initan kapag nag-reklamo si nanay sa mga guro at magulang ng mga estudyanteng kumakanti sa akin. Tiniis ko na lamang ang pananakit nila, maging ang bigat at sakit na nararamdaman ko sa tuwing pinipilit ni nanay na mabili ang mga pangangailangan kong sinira lang ng mga estudyanteng hindi danas ang totoong hirap ng buhay.
Hindi kami mayaman, noon ay medyo nakakaluwag pa sa tulong ni lola, kahit na para sa iba ay madumi ang trabaho nito'y nabubusog naman kami at hindi kinakapos. Subali't simula nang mawala si lola ay naging mahirap na sa aming itawid ang pang-araw araw, si tatay ay hardinero sa isang maliit na establishment, magkano lang ba ang kita ng isang hardinero? Minsan kinukulang pa dahil lima kaming magkakapatid, lahat ay nag-aaral pa at kailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Kahit ang ulam ay asin na may tubig lang, ang mahalaga ay malamnan ang tiyan. Si nanay naman minsan ay tumatanggap ng labahin sa mga kapitbahay na nakakaluwag-luwag sa buhay, o kaya naman ay naglalako ng gulay galing sa mga tanim ni tatay. Lahat ng iyon para lang makakain kami at maitawid ang aming pag-aaral, tapos panay pa ang hirit kong bilhan ako ng mga kailangan ko sa eskwela. Masakit isiping pinagkakasya na nga lang ni nanay ang budget namin sa araw-araw ay may mga tao pa ring willing sirain ang mga bagay na para sa mga dukhang kagaya ko'y ginto na.
Back then I am not aware of what bullying is, I don't even know that word before, and how heavy the consequences may be. Kung siguro alam ko lang noon, hindi ko alam kung pareho pa rin ba ang buhay ko ngayon.
"Congratulations sa promotion mo!" Nahinto ako sa aking pagmumuni-muni habang nagliligpit ng gamit sa aking mesa, nadako ang atensyon ko kay Clara na nakatayo na pala sa harapan ko'y hindi ko pa napansin. Nakangiti itong alam kong sinsero, hindi tulad ng ibang bumati at nag-abot ng congratulations pero halatang pilit at may halong pasaring.
"Thank you," pilit akong ngumiti pabalik dito. Mapapansin naman ang pagbalot ng pagtataka sa mukha nito.
"Anong problema? Ikaw lang yata iyong na-promote na hindi masaya," puna nito sa reaksyon ko. Huminga ako ng malalim at tinigil panandalian ang pag-sisinop ng aking mga kagamitan. Naupo ako sa gilid ng mesa at hinarap si Clara.
"Sino ba namang matutuwa sa promotion na alam kong hindi ko pinaghirapan? Ang dami-dami kong violations na isang warning nalang ay mate-terminate na ako, pero sa halip na termination ay malilipat pa ako sa Presidential Office. I don't deserve it. Kaya nga hindi ko masisisi ang karamihan sa mga kasamahan nating masama ang timpla at panay pasaring sa akin lately, this promotion is unfair given na para akong binibigyan ng special treatment ng kumpanya. Samantalang iyong iba ay matatagal na rito at marami nang napatunayan ay hindi pa rin umuusad ang kanilang posisyon, sino ba namang hindi sasama ang loob sa akin?"
"Duh. Bakit naman sa 'yo sila magagalit? Ikaw ba ang nag-desisyon na i-promote ka, wala ka namang pinilit na bigyan ka ng ganito kagandang opportunity. Sa boss at sa kumpanya sila magalit, wala ka namang kasalanan dito. Mga tao talaga, ang hilig maghanap ng masisisi at mapagbabalingan ng disgusto nila dahil sa pangit nilang disposisyon sa buhay. Cheer up, girl! You don't have to vow down for them, wala kang ginagawang masama. Kung may reklamo sila, doon sila sa nakatataas mag-reklamo."
Tumayo ako at muling bumalik sa pag-aayos ng mga gamit, tinulungan na rin ako ni Clara para mas mapadali ang ginagawa ko.
"Hindi naman lahat alam ang totoong sitwasyon at nangyayari, besides sa bilis ng mga pangyayari ay hindi malabong mag-jump sa conclusion ang mga tao na may ginagawa akong injustice. Marahil nga kung hindi kita kaibigan ay baka gano'n din ang iisipin mo."
Clara rolled her eyes. "Whatever. It is what it is, sabihin na nating may point ka pero wala ka pa ring kasalanan. Maging kuntento na tayo sa katotohanan na at least alam natin ang totoo at naniniwala sa isa't isa. Hindi naman natin kayang i-please ang lahat, kahit ano pang ganda at buti ng ginagawa mo ay mayroon pa ring mga taong hahanap ng baho at dungis sa 'yo. The important part of it is that you're winning in life, nevermind those inggetera's and inggetero's. Hangga't wala silang ambag sa buhay mo ay wala silang karapatang pakialaman ka, in fact, kahit pa may ambag sila ay wala pa rin silang karapatan. It's your life, ikaw lang ang natatanging may say sa buhay mo. 'Di ba nga ayon sa kasabihan, sa isang daang mabuti mong ginawa, makagawa ka lang ng kahit isang pagkakamali ay iyon ang mas matatandaan ng lahat. Na para bang ni minsan ay wala kang nagawang mabuti na nakatulong sa kanila, that's how life works."
I know tama ang lahat ng sinabi ni Clara, pero hindi pa rin no'n napagaan ang loob ko. She is my friend, nagkakilala kami dahil pareho kaming bagong hire noon at nagkakatagpo sa orientation. Simula noon ay naging close na kami, at mas pinagtitibay ng panahon. But even though sigurado na akong totoo itong kaibigan, hindi ko pa rin ma-bring up dito ang past ko. Hindi ko pa rin magawang magtiwala dito ng lubos, or maybe I'm just too scared of my past. Hindi naman kasi madaling harapin ang trauma. Kaya hindi rin nito alam ang totoong dahilan ng promotion ko, maging ang relasyon na mayroon ako sa boss namin. Sinulyapan ko si Clara na abala sa pagtulong sa akin, napapaisip tuloy ako kung pareho lang ba ang magiging reaksyon nito kung alam nito ang totoo? Maybe yes, or maybe not. Isa lang ang maipagpapasalamat ko, kasi kahit papaano ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan, at may isang taong naniniwala sa akin.
"I was thinking, mag-sleep over kaya ako sa place mo ngayong araw? To celebrate your promotion, hindi pa kasi tayo nakakapag-celebrate and pareho tayong pagod na para kumain sa labas at mag-party. What do you think?"
Nahinto ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Clara. "Huh? Ah, y...yeah, let's do that."
Ngumiti ito. "Take out nalang tayo ng chicken, pizza, and spaghetti mamaya. Tapos bili tayo ng soju pampainit."
Nginitian ko na lamang si Clara at sumang-ayon sa mga suhestiyon nito, kahit naman labag sa loob ko ang promotion na 'to ay gusto ko pa ring mag-celebrate para makasama si Clara. Sigurado kasing madalang na kaming magkakasama ngayong magkaiba na kami ng department, baka pati schedule ay maging mahirap na rin para sa aming pag-tugmain. So, even on my last day, gusto ko munang kalimutan ang paparating na problema at maging masaya kasama ng aking kaibigan.
"That sounds fun, can I crash over?"