Chapter 11

1059 Words
Magdalene's point of view Mabuti nalang talaga at maganda ang gising ko, sahod kasi ngayon at sa tuwing sahod ay wala talagang nakakasira sa mood ko. Except nalang ang panaginip kong paminsan-minsang dumadalaw sa akin. Kung marahil hindi maganda ang sumula ng araw ko, kanina pa anong nagwala sa ka-hipokrituhan ni Heath. Pabalik-balikin ba naman ako sa office at bahay ng mga ito. Mabuti nalang hindi gano'n kabigatan ang pinadala nitong mga documents kanina. Ngayon ay nasa office na kami, magsisimula ng panibagong umaga. “Na-cancel mo na ba lahat ng meetings ko?” tanong nito. Kasama sa iniutos nito kanina ay i-reschedule ko lahat ng meetings nito dahil wala ito sa mood. Sinong baliw ang magka-cancel ng meeting dahil lang wala sa mood mag-trabaho? Pati ako ay pinapunta pa sa bahay nito para doon ipagpatuloy ang trabaho namin, tapos pagdating ko do'n ay babalik din pala kami dito. “Yes, sir.” “Wala pala akong masyadong gagawin ngayon,” bored na sumandal ito sa swivel chair nito. Pinasadahan ko ng tingin ang mga dokumentong nakatambak sa tabi ng mesa nito, mga dokumento iyon na kailangan ng approval nito. “Marami kang documents na kailangang i-review, sir. Kailangan ng madaliang approval mo.” Imporma niya rito. Tumingin ito sa pile ng documents na nasa tabi nito. “Do it. Review those documents in my regard, kung mayroon kang hindi nagustuhan then reject it. Have it revise.” “Are you insane? Kung magkamali ako nang na-approve at na-reject, will you shoulder the consequences?” Umayos ito ng upo at tumingin sa akin. “Hindi ko iuutos sa ‘yo kung wala akong balak mag-take ng responsibility. Just do what I say.” “Anong gagawin mo?” Hindi biro ang dami ng documents na nasa gilid nito, baka abutin ako ng maghapon sa pagrereview palang. What more sa pag-aapprove? “I'll sleep, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. May sumira pa ng umaga ko kanina.” “Matutulog ka sa trabaho? Sorry, sir. Hindi ko yata mapapayagan ‘yan.” “Please, Magda. Parang mabibiyak na ang ulo ko sa sakit,” pagmamakaawa nito. Hindi ako sanay sa gano'ng tono nito, mukhang may iniinda nga ito na hindi na magawang i-compose ang sarili. “Fine. But until lunch lang, after that you have to do your job.” Pagpayag ko, kahit naman ayoko rito ay hindi naman ako masama na iignore ang sakit ng iba. “Thank you, iti-treat nalang kita ng lunch mamaya. Or even dinner if you want.” Hindi na ako kumibo, walang kaso sa ‘kin ang maraming gawain. Mas gusto ko nga ‘yon dahil hindi ko magagawang mag-isip ng kung ano ano, hindi rin ako nanghihingi ng kapalit kapag may ginagawang favor sa isang tao. Pero kung libre ay hindi ko tinatanggihan minsan, lalo kung gipit o kaya bagong sahod, okay lang magpalibre sa mga galante kasi marami pang pera ang mga ito. Ibang usapan lang kapag petsa de peligro na. Habang nagre-review ng documents ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Heath, payapa ang mukha nito habang natutulog. I wonder if he has the same face like the guy in my dream. Kung ito ang lalaki sa panaginip ko, kaya kayang gawin nito ang mga naganap doon? Umiling ako. Ipinilig ko ang aking ulo para alisin ang naisiip ng utak ko. “Imposible,” bulong ko. Hindi pwedeng ito ang lalaking iyon, lalong hindi pwedeng ako ‘yon. Masyadong karima-rimarim ang kaganapang iyon, hindi ko kakayanin. Baka masiraan ako ng bait. “Magda...” Natigilan ako nang marinig si Heath na binabanggit ang pangalan ko. Nakatulog pa rin ito. Gano'n ba ito ka-obsess sa akin na pati pagtulog ay ako ang naiisip. “You can’t escape from me, even in death I will follow you.” Nanindig ang balahibo ko sa narinig. Agad akong tumayo at malakas na niyuga ito para magising. Gulat namang napabalikwas ito ng bangon. “What the hell is wrong with you?” Singhal nito sa akin. “What the hell is wrong with you?” Ulit ko sa sinabi nito. Naguguluhan ang tingin nito sa akin. “Are you mocking me?” “No, but you’re creeping me out. Kung ano anong binubulong mo, binabanggit mo pa ang pangalan ko.” Mahina itong nagmura. Napasabunot sa buhok at mukhang tuliro. “I'm sorry, it's not you. It's the other Magda.” “Ha? May iba pa bang Magda bukod sa akin?” “Nevermind. Lunch na ba? Kumain na muna tayo.” Pag-iiba nito ng usapan. Gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa other Magda na tinutukoy nito, pero mukhang wala talaga ito sa mood para makipag-usap sa kanya o pag-usapan ang topic na ‘yon. “Medyo maaga pa para sa lunch,” imporma ko rito. Pasado alas diyes pa lang kasi ng umaga. “What do you want to do then?” “Excuse me? Wala tayo sa park o date para gawin ang mga gusto natin, nasa trabaho tayo at since gising kana ay ikaw na ang gumawa ng trabaho mo.” Iniwan ko na ang mga documents na binabasa kanina, ibinalik dito ang mga iyon. Tiningnan ko nito pero hindi nagsalita. “Okay ka lang ba talaga?” tanong ko pa nang tahimik lang itong ginawa ang sinabi ko. Tumango lang din ito. Hindi ko maintindihan. May kakaiba itong aura ngayon na parang dim at kapag nagkamali ka ng kanti dito ay maaring sumabog. Nakakatakot. “Magda, do you think I'm a bad person?” Out of nowhere ay tanong nito. “Yes,” walang filter na sagot ko. Masama ito sa paningin ko dahil sa mga ginawa nito sa akin noon hanggang ngayon. “May kilala akong mas masama pa sa akin.” “Who?” “Just someone who resembles my face,” wika nito. Parang nakalutang ito sa ulap, at nagmimistulang hanging ang kausap nito. Is he referring to his father? Or someone else? Wala itong kapatid na lalaki, kung ang ate naman nito ay hindi sila magkamukha. “It's just that I'm not sure if it's me or someone else's.” Pagpapatuloy nito. Tuluyan na akong naguluhan, he's referring to himself but could be someone else? Is he confused about something? Maging ako ay parang masisiraan ng utak sa mga naririnig. Naiiling na iniwan ko na lamang ito ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD