Third person's point of view
Mababaw pa ang gabi, tahimik at tanging mga kuliglig lamang sa paligid ang maririnig. Sa isang abandonadong bahay ay mayroong natatanging maliit na silid, maaaninagan iyon ng liwanag na nagmumula sa isang florescent lamp. Bawat kaluskos ay tunog ng lumalangitngit na rehas, kasabay ng impit na iyak at daing mula sa isang dalaga.
“Magda,” bulong ng lalaki. Hindi na mabilang ni Magda kung ilang litro na ng laway ang kanyang nalunok, tagaktak ang kanyang pawis na animo’y tumakbo ng ilang kilometro sa isang marathon.
“Dance for me, Magda. Dance.” Mariin ang bawat salitang binibigkas nito. Low and commanding. Matalim ang mga tingin na kung naglalabas lamang iyon ng apoy ay tiyak na mapapaso siya.
“P-please,” she begged. Dumausdos siya sa sahig upang maabot ang mga binti nito, lumuhod siya sa harapan nito at nagmamakaawang nag-angat ng mukha. Ang matingkad na make up niyang suot ay lipas na, halos mukha nalang iyong putik na nakaligtaang hugasan ng ilang araw.
Inalis ng lalaki ang mga kamay niyang nakahawak sa binti nito, naupo ito at pinantay ang kanilang mga mukha. Gamit ang malalaki at magaspang nitong mga kamay ay marahas nitong pinunasan ang dumi sa kanyang mukha, napapadaing siya sa sakit dahil sa kalyong ramdam na ramdam niya sa bawat haplos nito.
“I didn't know you can beg like that, Magda. I like it.” He muttered. Mayroong naglandas na ngiti sa labi ng lalaki, mababakas ang satisfaction sa mukha nito.
“H-hindi, huwag...” Paulit-ulit na umiling si Magda habang umaatras palayo sa lalaki. Nanatiling nakakadena ang kanyang mga kamay at paa, kaya limited lamang ang space na pwede niyang galawan. Nang tumama siya sa gilid ng kama, naiyak na lamang siya dahil tiyak niyang iyon na ang dulo. Sigurado na siyang nakatakda na ang kapalaran niya.
“Balak mo akong takasan? But you're mine, Magda. How can you escape from me? No, you can't.”
Muli itong naglakad palapit sa kanya, naupo upang pantayin sila. Bumaba ang tingin ng lalaki sa katawan niyang halos exposed na dahil sa suot niyang manipis at maiksing night dress. Kahit isang undergarments ay wala siyang suot sa loob, kaya ang pinakatatago niyang parte ng kanyang katawan ay bakat na bakat sa suot niya.
“N-no...” Usal niya. Hindi kailanman tumigil ang kanyang isipan sa pagdarasal na sana ay may sumilay na pag-asa. Napaigtad siya nang maramdamang muli ang magaspang nitong kamay sa isa sa mga hita niya, humahaplos at dumidiin sa bawat galaw.
Nanginginig ang buong katawan niya sa magkahalong takot at hilakbo. Lumala pa ang daing niya nang maramdaman ang paggapang ng kaliwang kamay nito sa isa niyang malusog na dib-díb. Marahang humahaplos ang isang daliri nito sa kanyang kaumbukan.
“Don’t make it hard for us, Magda. Spread your legs, honey. Hindi ka magsisisi sa gagawin natin,” wika pa nito. She didn't listen.
Nang tila maubos ang pasensya ay buong pwersa na inihiga siya ng lalaki sa malamig na sahig, itinaas nito ang night dress na suot niya hanggang sa kanyang balikat. Dumukwang ito para halikan siya, sa lakas nito ay pagpikit ng mariin lamang ang magagawa niya ng mga oras na ‘yon.
Magdalene’s point of view
Humahangos na napalikwas ako ng bangon, inilibot ko ang aking tingin sa paligid at parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan nang mapagtantong nasa loob pa rin ako ng aking apartment.
Kumpleto ang mga gamit, mayroong safe na lock ang mga bintana at pinto, at mayroon ring single bed na kama sa gilid. Studio-type apartment lamang ang tinitirhan ko,hindi kalakihan pero maluwag na para sa isang tao. Hindi gaya ng palaging nasa panaginip ko, masikip na tila pinagkaitan ng liwanag mula sa buwan at araw. Dinama ko ang mga parte ng aking katawan na hinawakan ng lalaki, wala akong maramdamang bakas na mayroong humaplos at humawak dito, but strangely ay parang mayroong marka ng nakaraan na nanatiling nakaukit at nakakadena sa akin.
Kung bakit ako nananaginip na ikinulong ako sa isang maliit na silid, pinagsamantalan at marahas na pinagmalupitan ay hindi ko pa rin maintindihan. Maging ang mukha ng lalaki sa aking panaginip ay hindi malinaw, tanging ang mukha ko lang na hilam ng luha at lipas na make up ang naaaninag ko. Pumikit ako upang alalahanin pa ang ibang characteristic ng lalaki na maaalala ko kung sakaling mag-krus ang landas namin. I heard his voice loud and clear. Sigurado akong makikilala ko ang boses nito kapag narinig ko. But if I recognized him, what would I do? Accused him of harassing me in my dream? Baka mauna pa akong dalhin sa mental kaysa damputin ang lalaki.
Pero paano kung magkamali ako? What if I point my finger in a wrong man? Or I accuse him of something he didn't do, what if it's just really a dream and nothing personal?
Nagpabalik balik pa ako sa maliit na espasyo ng aking apartment ‘saka frustrated na sumigaw. Walang mangyayari sa akin kung magpapatali ako sa isang panaginip, katawan ko ito kaya sigurado akong walang naganap na gano'ng pangyayari sa akin. Hindi lang ako matahimik dahil sa lahat ng pwedeng mapanaginipan, bakit isang nakakadiri at kahindik-hindik na pangyayari pa?
I heard this before that if someone encounters a repeated scenario in her dreams, it spells trauma and nightmares she wanted to escape. I have certain amount of trauma in my childhood, but nothing as dangerous and disturbing as my dream.
Bago pa man ako amagin sa pag-iisip at abutan ng tirik ng araw ay minabuti kong kumilos na lamang para pumasok sa aking trabaho. Marami pa akong mas dapat isipin at pagtuunan ng pansin, isa na roon ay palagian kong pagka-late dahil sa pesteng panaginip na 'yan. Nabigyan na ako ng dalawang warning, isa pang warning at tanggal na ako sa trabaho. Kaya hindi ito ang oras para makipagtalo ako sa aking sarili, kailangan kong ayusin ang buhay ko kung ayokong bumalik sa lugar na pinanggalingan ko. Ayokong bumalik kung nasaan ang unang heartbreak at betrayal na naranasan ko. Sapat na iyong nakatakas na ako kahit papaano sa paglayo doon, kailangan kong alagaan ang buhay na unti-unti kong binuo rito. Hindi masasayang lahat ng sakripisyo ko para lang sa isang panaginip na tiyak kong hindi kailanman nangyari sa akin.
Whatever that is, I'll find it out later. I have more pressing matters to do. Magsa-submit pa ako ng explanation letter sa HR tungkol sa mga lates ko.
"Miss Sarmiento," tawag sa akin ng HR staff na tumanggap ng explanation letter ko. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ito.
"May nakalimutan pa ba akong i-submit o gawin?"
"Sa ngayon ay wala na, sana lang hindi na umabot sa pangatlong warning." Makahulugang wika nito.
"Kung gano'n ano pa ang kailangan mo sa akin?" Ayokong nagtatagal sa HR Department dahil ramdam ko ang maiinit na matang nakatingin sa akin sa tuwing naroon ako, mainit kasi ang mata ng mga tao ng HR sa akin, suki ba naman ng late at violations. Kumbaga ako ang excess sa trabaho nila, minsan ang reason ng overtime nila. Kahit ako ay iinit ang ulo kapag may gano'n kasuwail na empleyado.
"I received a message from the newly appointed CEO, he wants an audience with you and the HR Manager. I hope it's nothing serious, but if it's between the CEO and HR Manager, I'm guessing you might be at risk of termination."
Parang saglit na tumigil ang mundo ko, hindi agad na-proseso ng utak ko ang lahat ng narinig. Nang muli itong magsalita ay saka lamang ako natauhan.
"But let's not jump into our conclusion, mas better na puntahan mo nalang sila ngayon para makasigurado tayo. Don't worry, wala pang nakakaalam na kahit sinong empleyado tungkol dito dahil kabilin-bilinan sa aking strictly confidential daw ito. I'm wishing you luck, Miss Sarmiento."
Nagpasalamat at nagpaalam na lamang ako sa babae, nababasa ko sa mukha nito ang tuwang nakatago sa lungkot-lungkutan na expression nito. Kung mababawasan ang alalahanin at sakit ng ulo nila, kahit ako ay lihim na matutuwa. Kaya lang kailangan ko ng trabahong ito para manatiling makapamuhay rito. Siguro nga ay mas makakatulong na huwag munang i-overthink ang mangyayari, imi-meet at haharapin ko na lamang muna ang mga taong nasa likod ng matataas na pader ng kumpanya.
"Are you sure about this? Magdalene is a smart employee I admit, ako ang nag-hire sa kanya kaya sigurado akong qualified siya. But considering her bad records, it will cause quiet the commotion."
Natigilan ako sa pagbubukas ng pinto nang marinig ang boses ng HR Manager, casual lang ang pakikipag-usap nito sa naturingang Chief Executive Officer. Mukhang ako rin ang topic ng mga ito.
"I'm never sure in my entire life, ninang." Saglit na huminto ito sa pagsasalita. "I want Magdalene, she will be mine."
Nanginig ang kalamnan ko sa narinig, mabilis akong napabitaw sa door knob at napatikip ng bibig. Hindi ko pwedeng makalimutan ang malamig at mababang boses na iyon. Parang sirang plakang nagpapaulit-ulit sa aking memorya ang mga salitang binigkas ng lalaki sa aking panaginip, malamig at air-conditioned ang paligid pero pinagpapawisan ako ng malapot. Hindi ko pa nakikita o nakikilala ang bagong appointed na Chief Executive Officer, late kasi akong pumasok nang nakaraang ipakilala ito sa mga empleyado. Walang official na declaration o welcoming party na naganap, kaya ngayon ang unang beses na magkakadaupang palad kami. Ngunit bakit parang matagal ko nang kilala ang lalaki? Ano ang koneksiyon nito sa panaginip ko?