Chapter 22 Ravena Umuwi ako sa condo unit ni Elias, na walang nabili kahit isa. Dito ko na lang ibinuhos ang mga luha ko sa condo unit ni Elias. Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Sana hindi na lang pala ako umalis o hindi kaya sumama na lang sana ako kay Elias. Alam ko na wala akong kwentang anak, subalit hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil kina Mommy at Daddy. Naiinggit ako noon sa mga ka-klase ko na ayos lang sa mga magulang nila na dalhin sa bahay nila ang boyfriend nila kahit hindi naman sila kasing yaman ng mga magulang ko. Kaya si Mandy ang naging kaibigan ko dahil mahirap lang ito subalit handa siyang tulungan ako na walang anumang katanungan. Hangga't kaya niya na tulungan ako tinutulungan niya ako. Subalit ang mga magulang ko lahat ng mga tao na malapi

