Episode 5

1579 Words
Chapter 5 Ravena Buong gabi kong pinag-isipan ang offer sa akin ni Mama Glenda. Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa ganito, subalit lahat gagawin ko para lang bumalik sa dati si Jack. Makalakad siyang muli. Nakadungaw ako sa may bintana ng aking silid habang nakatingin sa dagat. Maganda ang panahon, at maraming mga bituin sa langit. Sunod-sunod ang buntong hininga ko ng malalim. Ilang sandali pa tumunog ang telepono sa gilid ng aking kama. Nagtungo ako sa kama at naupo. Dinampot ko ang telepono sa side table at nilagay sa aking tainga. Ito ang ginagamit na paraan para madali kami ma-contact ni Mama Glenda, kapag may emergency o may gusto siyang ipaabot sa amin. "Hello?'' sagot ko sa kabilang linya. "Ena, Ihanda mo na ang iyong sarili. Maligo ka at magpabango. Hinihintay ka na ng kliyente mo. Subalit gusto ko munang siguraduhin kung handa ka na ba talaga? Pwede ka pa umurong kung gusto mo,'' tanong pa sa akin ni Mama Glenda. Muli akong napabuntong hininga ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya. "Handa na po ako, Mama Glenda. Subalit gusto ko rin siguraduhin na kaliwaan kami. Kailangan niya munang bayaran ako bago niya ako galawin para hindi ako madihado o malugi. Kailangan ko ang halaga na iyon para sa nobyo ko,'' sabi ko kay Mama Glenda. Gusto ko lang makasigurado para hindi ako maloko. Paano kung nakuha na ng taong iyon ang katawan ko tapos hindi niya pala ako babayaran? E 'di, nawala pa ang virginity ko na wala sa oras. Dati ang prinsipyo ko kasal muna bago ang s&x. Kaya, hindi ko ibinigay kay Jack, ang katawan ko dahil iyon ang prinsipyo ko. Gusto ko kapag humarap kami ng mapapangasawa ko sa dambana malinis ako at wala siyang maisusumbat sa akin subalit kailangan ko ng pera para sa mahal ko. Mas pipiliin ko pa ba ang dangal ko kaysa kaligtasan ni Jack? Siguro maunawaan naman ako ni Jack, kapag ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat. "Kung gano'n ihanda mo na ang sarili mo. Ihahatid kita sa silid ng kliyente mo. Gusto niya pagpasok niya sa kaniyang silid naroon ka na, kaya huwag kang tumagal. Bilisan mo kumilos,'' sabi pa sa akin ni Mama Glenda. "Opo, Ma. Pumayag po ba siya na magsuot ako ng maskara?'' tanong ko sa kaniya. "Oo, pumayag siya. Sige, na. Bilisan mo maligo,'' wika pa ni Mama Glenda. Nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag ang kliyente ko na magsuot ako ng maskara. Pagkatapos namin mag-usap ni Mama Glenda, nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Katulad ng inutos niya sa akin sinabunan ko ng mabuti ang buo kong katawan at gumamit din ako ng feminine wash. Nag-toothbrush ako at nag-spray ng body spray. Nalulungkot ako habang nagbibihis ng sexy kong damit. "I'm sorry, Jack. Kung alam ko lang sana noon ko pa ibinigay ang sarili ko sa'yo. Patawarin mo ako kung sa iba ko ibibigay ang sarili ko. Alang-alang sa kaligtasan mo gagawin ko ang lahat para lang gumaling ka. Para sa pag-uwi ko makakalakad ka na at sabay natin abutin ang mga pangarap natin. Mag-iipon ako para makapagsimula tayo ng mag-negosyo ng sarili natin. Papatunayan ko kina Mommy at Daddy, na nagkamali sila sa panghuhusga nila sa ating dalawa,'' sabi ko na lamang sa sarili ko. Nang makabihis na ako isinukbit ko ang aking bag kung saan nakalagay ang aking maskara. Nagtungo ako sa 12th floor dahil naroon ang silid ni Mama Glenda. Ako naman kasi nasa 5th floor ang silid ko. "Mabuti narito ka na, Ena. Hali ka samahan kita sa 3rd floor,'' aya sa akin ni Mama Glenda. Tumango-tango lang ako sa kaniya habang nakaawang ang aking mga labi. Kung gano'n hindi basta-basta ang costumer ko dahil ang mga naroon lang sa floor na iyon ay ang mga mayayaman at mga vip. Matataas na uri ng tao at hindi basta-basta. Nakasunod lang ako kay Mama Glenda. "Ang swerte mo sa costumer mo, Ena. Kaya pagbutihin mo at huwag kang gumawa ng dahilan na ma-offend ang costumer mo sa'yo,'' sabi pa sa akin ni Mama Glenda. "Isusuot ko na po ba ang maskara ko?'' tanong ko kay Mama Glenda. "Mamaya na kapag nasa silid ka na ng costumer mo. May meeting pa kasi siya, kaya sinabihan niya ako na dalhin na kita sa silid niya. Binigyan niya ako ng access card ng silid niya,'' sabi sa akin ni Mama Glenda, nang pumasok na kami sa elevator. Tumango-tango lang ako habang umaandar na paibaba ang elevetor. Kinakabahan naman ako habang papalapit na kami sa third floor. Bahala na subalit ito ang alam kong tama na gagawin ko para lang maisalba ang buhay ni Jack. Pumasok na rin ako sa ganitong trabaho, kaya lubos-lubusin lubusin ko na lang kaysa bumaba ako ng barko na wala akong nagawa para lang gumaling ang boyfriend ko. Pagbukas ng elevator mas lalo pang bumilis ang pintig ng aking puso. Napahanga ako sa desenyo dito sa third floor. Napaka-elegante ng chandelier at ang mga painting na iba't ibang paint artist ang gumawa. Ngayon lang ako nakarating sa floor na ito at hindi ko inaasahan na parang may malapalasyo pala itong desenyo. Hindi rin basta-basta ang mga taong nakakasalubong namin. "Ang yayaman ng mga taong naririto sa floor na ito, Mama Glenda, ano?" "Mayayaman nga ang iba subalit sa halip na ang pamilya ang kasama ng iba mga kabit ang kasama. Hindi bale maging mahirap kung hindi ka naman lolokohin. Aanhin mo ang mayamang asawa kung kaya ka naman ipagpalit sa iba.'' Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Mama Glenda. Parang tinamaan kasi ako sa sinabi niyang iyon. "Sa palagay mo kaya Mama Glenda, niloloko ko ang nobyo ko?'' tanong ko sa kanya. Parang panloloko na rin kasi ang ginagawa ko. "Hindi naman siguro, Iha. Malalim ang dahilan mo kung bakit gagawin mo ang bagay na ito. Pumasok ka sa trabahong ito para sa nobyo mo subalit kailangan mo pa rin ipagtapat sa kanya kapag nakababa ka na sa barko kung bakit mo ito ginawa?" wika pa sa akin ni Mama Glenda. Patuloy kami sa paglalakad at hinahanap ang silid ng customer ko. "Matatanggap kaya ako ni Jack kapag bumaba na ako at malaman niya na hindi na ako dalaga? Alam mo Mama Glenda, natatakot ako baka hindi ako matanggap ni Jack kapag malaman niya ang naging trabaho ko dito sa cruise ship na ito," malungkot kong sabi kay Mama Glenda. Siya lang kasi ang napapag-kwentuhan ko tungkol sa amin ni Jack. Mabait si Mama Glenda. Kahit nakasayaw kami sa entablado na nakahubad, subalit hindi kami pwede hawakan ng sinumang customer na nanonood sa amin. Bawal din kaming ilabas ng mga customer maliban namlang itong nangyari sa akin. Kailangan ko ng malaking halaga at may isang customer na gusto ako ikama. Pagkakataon ko na rin ito na magkaroon ng malaking pera sa pang hospital ni Jack. At wala ng pananagutan sa akin si Mama Glenda sa naging desisyon ko na ibinta na lang ang sarili ko. Kaya ilang beses niya akong tinanong kung talagang desidido ako sa naging desisyon ko. Wala na akong iba pang pagpipilian kundi i-grab ang opportunidad na ito. Ilang sandali pa ang lumipas huminto kami sa isang silid ni Mama Glenda. Itinapat niya ang cards sa pintuan at pagkatapos ay binuksan niya ang silid na iyon. "Pumasok ka na, iha. Good luck sa'yo. Ito nga pala ang pills gumamit ka nito pagkatapos kang gamitin ng customer mo para hindi ka mabuntis," sabay abot ba sa akin ni mama glenda ng isang box ng pills. Tinanggap ko ang gamot na ibinigay niya sa akin at inilagay ko sa aking shoulder bag. Kinakabahan man ako subalit hindi ako nagpahalata. "Salamat sa'yo Mama Glenda," pasalamat ko sa kaniya. Pumasok na ako sa loob. Napaawang ang mga labi ko sa malawak na espasyo na may mga 300 or 400 square feet na sukat. Mayroong malaking bintana na nagbibigay ng magandang tanawin ng karagatan. Mayroon din isang kama na may mga dalawang beses na mas malaki kaysa isang pangkaraniwang kama. May malambot din itong unan. Mayroong mga moderno at elegante na furniture tulad ng mga sofa, mesak at mga upuan. Mayroong mga kagamitan tulad ng mga flat screen tv mga sound system at mga internet connection. Napakaganda at napakalawak ng silid na ito. Doble sa laki ng silid ko. Tiningnan ko rin ang malaking banyo na may mga moderno at elegante na fixtures tulad ng mga shower bathtub at mga sink. Binuksan ko ang gripo. Tuwang-tuwa ako nang lumabas ang maligamgam na tubig. May naalala na naman ako, subalit ayaw ko ng isipin ang mga bagay na makapagbibigay sa akin ng lungkot at stress. Pinatay ko ang gripo at nagtungo ako sa malaking kama at umupo. Kinuha ko ang aking maskara at isinuot iyon. Para kahit anong oras man dumating ang customer ko hindi niya na makikita ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin mamaya basta hinintay ko lang ang customer ko. Nakaharap ako sa tapat ng bintana. Madilim na ang paligid ng karagatan. Tanging ang mga bituin na lang sa langit ang nakikita ko na nagre-reflect sa karagatan. Sobrang na-miss ko na si Jack. Kung hindi lang sana kami naaksidente noon, hindi siguro kami magkakalayo ngayon. Natutuwa ako na nagising na siya mula sa kumatos. Subalit nakakalungkot dahil sa pagdilat ng kaniyang mga mata hindi ako ang kanyang kasama. Mbuti na lang nariyan ang kaibigan ko na si Manday para tumingin kay Jack at mag-alaga habang wala ako sa tabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD