Chapter 4
3rd POV
Sumasayaw si Ravena, sa intablado na nakahubo't hubad. Marami na naman ang naglalaway sa maganda niyang katawan. Maraming nagnanasa na maangkin ito. Habang nagsasayaw si Ravena, hindi mapigilan ang mga luha na pumapatak sa kaniyang mga mata. Lahat ng ito ay ginagawa niya para sa nobyo niyang si Jack. Nais niya itong gumaling kaagad.
Comatose si Jack, nang iwanan niya ito sa hospital. At ngayon masaya siya sa ibinalita ng kaibagan niyang si Mandy, na nagising na ang kaniyang kasintahan. Subalit kaakibat ng saya na naramdaman niya ay ang lungkot naman na nararamdaman dahil hindi niya alam kung paano siya makakuha ng limang daang peso. Isang daang at siyam na put limang libo ang sahod niya sa isang buwan dito sa pagpu-pole dancer niya. Ilang buwan pa niya hihintayin bago umabot sa limang daang libo ang sasahurin niya, para sa pagpapagamot o sa operasyon ni Jack.
Samantalang may mga matang sinusuyod ng tingin ang kahubaran ni Ravena. Mga matang nais pagmasdan ang kabuoan niya. Mga matang halos ayaw na umalis sa p********e niya.
Nakita ni Ravena, na tinawag ang manager niya na si Mama Glenda, ng lalaking kanina pa siya tinititigan. May ibinubulong ito sa manager niya. Nakita niya rin ang pagtingin ng manager niya sa kaniya at para bang may pinag-uusapan ang mga ito. Ginalingan pa ni Ravena, ang pagsayaw niya na nagpapaakit sa mga costumer.
Kahit araw-araw niyang ginagawa ang pagsasayaw ng nakahubad sa harap ng mga tao nahihiya pa rin siya, subalit kailangan niyang lakasan ang kanyang loob. Mabuti na nga lang at may maskara siyang suot kaya kahit nakabalandra ang kanyang kahubaran sa mga taong tumitingin sa kanya hindi naman siya makilala. Hindi niya lubos akalain na hahahantong siya sa ganitong sitwasyon. Ilang oras pa ang lumipas bago matapos ang performance niya at sumunod naman sa kanya ang kasamahan niya na isa rin na pole dancer.
Habang nasa dressing room siya nagsusuot ng kanyang mga damit lumapit naman si Mama Glenda sa kaniya. "Ravena, pwede ka bang makausap?'' tanong nito sa kanya.
Isa-isa niya munang isinuot ang mga damit niya bago siya humarap sa manager nila. "Yes, Ma?'' tugon niya rito.
"Hali ka sa silid ko. May mahalaga akong sasabihin sa'yo,'' wika sa kaniya ni Mama Glenda. Katulad ni Mama Glenda, may mahalaga rin siyang sasabihin rito.
"Tamang-tama, Ma dahil gusto rin kitang makausap. May gusto rin sana akong sabihin sa'yo'' wika niya kay Mama Glenda.
Tipid na ngumiti sa kaniya ang manager niya at dinala na siya nito sa silid nito.
"Maupo ka, Ven.'' Inalok siya ni Mama Glenda ng upuan. Umupo naman si Ravena. Kakapalan niya na talaga ang kanyang mukha at baka pwede siyang mag-advance ng sahod niya. Kahit alam niya malabo iyon subalit gusto niyang subukan. Baka sakaling mapahiram siya ng manager niya.
"Ano po ang sasabihin niyo sa akin, Ma?'' tanong ni Ravena sa kanyang manager.
Umupo naman ang manager niya sa kaniyang harapan. "Ikaw muna. Ano ba ang sasabihin mo sa akin?''
Bahagyang kinagat ni Ravena, ang kaniyang labi sa ibaba at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Kung pwede po sana i-advance ko ang apat na buwan kong sahod. Kailangan ko po kasi ng malaking halaga para sa operasyon ng boyfriend ko. Kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon,'' nakikiusap na sabi ni Ravena, sa kanyang manager. Nahihiya man siya subalit kailangan niyang subukan.
"Pasensya ka na, Ena. Subalit alam mo naman ang patakaran ng kompanya. Mapapahiram kita, pero isang daang libo lang. Pasensya ka na subalit wala akong ganyan kalaking halaga dahil ang kalahati ng sahod ko diretso sa bangko account ko at ang kalahati ay sa pamilya ko naman."
Nalungkot si Ravena, sa pahayag na iyon ng kaniyang manager. Hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng pera para lang sa operasyon ni Jack.
"Ma, baka naman mayroon kang kakilala na pwede kong mahiraman? Igagarantor ko ang atm card ko. Tatlong buwan ko lang na sahod mababayaran ko na iyon,'' maluha-luha pang pakiusap ni Ravena sa kaniyang manager.
"Pasensya ka na Ena, subalit walang magpapahiram sa atin ng ganoon kalaking halaga. Subalit isa lang ang naisip kong paraan para makakuha ka ng ganoon kalaking halaga.''
Nabuhayan si Ravena, nang marinig ang sinabi ni Mama Glenda. "Ano pong paraan, Ma? sabihin niyo po sa akin?''
Malalim na bumuntong hininga si Mama Glenda, bago sinagot ang tanong na iyon ni Ravena.
"May customer na tumawag sa akin kanina. Magbabayad siya ng malaking halaga maikama ka lang habang nandito siya sa cruise."
Napaawang naman ang labi ni Ravena, nang marinig ang sinabi ni Mama Glenda. Hindi niya kasi inaasahan na iyon ang magiging solusyon sa problema niya.
Sa tagal na nilang magkasintahan ni Jack, kahit minsan hindi niya inisip na ibigay ang sarili niya kay Jack dahil ang nais niya ikasal muna sila bago niya ibigay ang katawan niya kay Jack. Kung alam niya lang na dito mawawasak ang katauhan niya, e 'di sana ay binigay niya na lang ang sarili niya kay Jack noon pa.
Subalit si jack din ang dahilan kung bakit pinasok niya ang pole dancer dito sa cruise ship. at ngayon naman si Jack pa rin ang dahilan para mawasak ang pagkatao niya.
"Wala na po bang ibang paraan para makalikom ako ng limang daang libo? Wala pa po akong karanasan sa lalaki,'' frustrated na tanong ni Ravena sa kaniyang manager.
Wala na, iha. Kung kailangan mo talaga ng pera iyon lang ang solusyon na maitutulong ko sa'yo. Subalit hindi kita pipilitin dahil ang desisyon mo pa rin ang masusunod.''
Halos mawalanan ng pag-asa si Ravena. Hindi niya alam kung dapat niya bang tanggapin ang offer sa kanya ng kanyang manager. Subalit paano naman si Jack, kapag tinanggihan niya ang offer na iyon ng kanyang manager? Kailangan ng kasintahan niya maoperahan sa lalong madaling panahon.
Ano na lang ang ihaharap niya kay Jack, kapag nalaman nito na hindi na siya virgin kapag bumaba siya ng barko? Subalit ano nga ba ang kanyang uunahin? Ang kaniyang dangal o ang kaligtasan at buhay ni Jack? Gulong-gulo ang kaniyang isipan.
''Galante ang taong iyon, Ena. Kaya sigurado ako na matutulungan ka niya sa problema mo. Pag-isipan mo ng mabuti. Mas maigi kapag nakapagdesisyon ka ng maaga baka kasi magbago ang isip niya.
"Sino ba ang taong iyon, Ma? Hindi ko alam kung anong gagawin ko subalit kailangan talaga ng boyfriend ko maoperahan na sa lalong madaling panahon,'' nakikiusap ang wika ni Ravena kay Mama Glenda.
"Ikaw lang naman ang makakasagot sa problema mong iyan, iha. Kung gusto mo maoperahan kaagad ang nobyo mo bakit hindi mo tanggapin ang offer ni Mr. Altamirano? Pwede ka mag-demand sa kanya ng malaking halaga lalo na at wala ka pang karanasan. Subalit kong hihintayin mo pa ang ilang buwan na sahod mo baka ano na ang mangyari sa boyfriend mo?''
Muling napakagat si Ravena, sa ibaba niyang labi sa sinabi ni Mama Glenda. Nag-iisip siya na baka kapag pinatagalan niya pa ang desisyon ay baka nga magbago ang isip ng sinasabi ni Mama Glenda na si Mister Altamira.
"Sige, Ma. Papayag ako pero kailangan ibigay niyo muna sa akin ang pera na kailangan ko bago niya ako ikama. Pangalawa, kailangan suot ko pa rin ang maskara ko. para kahit sumayaw ako sa entablado at nanonood siya hindi ako mahihiya. Ayaw kong makita niya ang pagmumukha ko,'' dalawang kondisyon lang ang binigay ni Ravena sa kaniyang manager.
"Okay, sige. Sasabihin ko sa kanya ang dalawang kondisyon mo. Pupuntahan kita mamaya sa silid mo,'' may ka sa kanya ni mama Glenda.
Tumango-tango naman si Ravena. Sabay na silang lumabas ng silid ni Mama Glenda. Naghiwalay na sila ng hallway. Nagtungo na si Ravena, sa kanyang silid. Subalit hindi niya akalain na ang lalaking natapunan niya ng kape ay makakasabay niya sa elevator. Patungo ito sa baba at ganoon din siya.
Taas ang kilay ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. "Ano ka rito sa cruise ship? Guest ka ba o employer?"
Napairap si Ravena sa tanong na iyon sa kaniya ni Elias. "At bakit gusto mo naman malaman?'' masungit niyang tanong kay Elias.
Tumawa naman ang pagak si Elias sa tanong niyang iyon. "Of course, pababayarin kita sa damit na itinapon mo sa dagat. Hindi mo ba alam kung magkano ang halaga no'n?'' salubong ang kilay ni Elias na tanong sa kaniya.
"Wala akong paki kahit milyon pa ang halaga noon. Sa dami ng elevator dito nakasabay pa kita? Ang malas ko naman na nakita ang mukha mo!'' masungit na sagot ni Ravena kay Elias.
Tumaas naman ang isang sulok ng labi ni Elias, sa kamalditahan ni Ravena, na pinapakita sa kaniya. "Ah, talaga wala kang paki? Hindi mo ba ako kilala kung sino ako?'' napipikon na tanong ni Elias sa kaniya.
Tinaasan naman niya ang binata ng kaniyang kilay. "Wala akong oras para kilalanin ka Mister Antipatiko! At lalong hinding-hindi ko babayaran ang damit mong iyon na parang sinawsaw sa zonrox, na parang kupas na!'' panlalait pa ni Ravena sa damit ni Elias, na itinapon niya sa dagat. Hindi niya alam na ilang libo ang halaga no'n at limited edition pa. Binili pa iyon ni Elias sa Thailand.
"Talagang hinahamon mo ako na babae ka? Baka gusto mong ihulog kita rito sa dagat?'' pagbabanta pa sa kanya ni Elias, kaya medyo kinabahan naman siya at napaatras ng ihakbang ni Elias, ang mga paa nito palapit sa kanya. Napasandal siya kaya hindi niya alam kung anong gagawin niya nang makalapit si Elias, sa kanya at ikulong siya nito sa magkabilaang bisig nito. Kinuha ni Elias, ang kanyang cellphone sa bulsa.
Isang dangkal na lang ang layo ni Elias sa mukha niya. Hindi alam ni Ravena kung ano ang nararamdaman niya. Bumilis ang pintig ng kanyang puso na para bang may mga daga ang naghahabulan sa loob nito.
''Anong gagawin mo sa akin?'' matapang nyang tanong kay Elias.
Subalit hindi siya sinagot ni Elias. Bagkos kinuhanan siya nito ng larawan. Pagkatapos ay umatras si Elias, ng makuhanan siya nito ng larawan sa cellphone nito.
"Ipaiimbistigahan kita. At siguraduhin ko sa'yo na magbabayad ka sa damit na itinapon mo rito. At humanda ka dahil oras na nalaman ko na isa kang trabahador dito ipapatapon kita sa susunod na bansa na hihintuan ng cruise ship na ito.''
Natakot si Ravena, sa bantang iyon sa kaniya ng binata. Paano kaya kung malaki pala ang posisyon ng binata sa cruise ship na pinagta-trabahuhan niya?
Hindi na siya nakasagot sa banta ng binata ng bumukas na ang pinuan ng elevator. Lumabas si Ravena at naiwan naman si Elias, sa loob ng elevator.
Habang naglalakad si Ravena, nakakuyom naman ang kaniyang mga kamao. Paano nga ba kung totohanin ng lalaking iyon ang banta sa kanya? Hindi pa siya pwedeng mawala ng trabaho sa ngayon dahil kailangan pa ni Jack ang tulong niya.
Hindi niya alam ang gagawin niya kung sakali man na tanggalin siya ng lalaking iyon sa trabaho niya at iiwan sa susunod na bansa na pagdadaungan nila.
Tumuloy na si Ravena sa kaniyang silid at napahiga na lang siya. Hindi niya alam kung bakit napakamalas niya sa buhay. Minsan naiisip niya na baka ito na ang karma dahil sa pagtalikod niya sa mga magulang niya.
Subalit naninindigan pa rin ang isip niya na tama lang ang ginawa niya kaysa naman maikasal siya sa kaibigan ng Daddy niya. Hindi niya nga lubos akalain na matitiis siya ng mga magulang niya at gusto pang ipakasal sa taong hindi naman niya kilala at hindi niya pa nakita. Basta ang alam niya kasing tanda rin ito ng ama niya. Mas pinili niya si Jack kaysa kayamanan na mamanahin niya sa mga magulang niya.
Para kay Ravena hindi baleng maghirap siya, huwag lang siyang ikasal sa taong hindi niya gusto. Kaya niyang magtiis kahit gaano man kahirap ang magiging buhay nila ni Jack, basta ang mahalaga magkasama sila at nagmamahalan.
Hindi siya makatulog kaya dumungaw na lang siya sa may bintana. Tanaw ang asul na dagat at ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang balat. Inaamin niya na talagang nami-miss niya na ang mga magulang niya. subalit hindi siya luluhod sa mga ito para lang tulungan siya sa pagpapagamot kay Jack. Ayaw niyang masumbatan ang nobyo niya. Gustuhin niya na lang ibinta ang katawan niya kaysa magmakaawa at magpakalimos siya sa mga magulang niya.