Chapter 3
3rd POV
Tanaw ang asul na dagat habang tumatambay si Ravena sa railing ng malaking barkong ito habang nasa 9th floor siya. Nakikita niya rin ang mga kababuyan na ginagawa ng mga ilang tao dito sa floor na pinuntahan niya. May silid naman na pwedeng doon mag-s*x ang mga nakikita niya subalit trip lang yata ng mga ito na ipamulat siya sa makamundong ginagawa ng mga ito.
Isang babae at dalawang lalaki ang pumwesto sa hindi kalayuan sa kaniya, habang nilalamutak ng mga ito ang isang babae. Gustong-gusto rin ng babae ang ginagawa ng dalawang lalaki rito. Hindi na makayanan ni Ravena, ang mga nakikita niya na parang mga aso na kung saan abutan ng kalibugan ay doon magtatal1k.
Bumaba siya sa 7th floor at gusto niyang makape roon. Mali kasi ang floor na napuntahan niya. Habang patungo siya sa elevaor, isang lalake naman ang nakabangga niya. Tumilapon ang kape ng lalaki sa puting polo na suot nito.
"Fvck!'' Napamura pa ang lalaki nang madumihan ng kape ang suot nito. Bagong ligo at bihis lang kasi ito. Napaawang ang labi ni Ravena, nang masulyapan niya ang gwapong mukha ng lalaki.
"Sorry po, Sir. Hindi ko sinasadya,'' hingi niya ng paumanhin sa lalaki na nakakunot ang noo. Parang malusaw si Ravena sa klase ng tingin ng lalake.
Kung bakit ba naman sa lawak ng daan hindi niya napansin ang lalaki? Hinubad ng lalake ang suot nitong polo, kaya mas lalong napaawang ang labi ni Ravena, nang makita ang malapad na dibdib ng lalake. Matikas ito at matipuno ang pangangatawan.
"Wash my clothes!'' Masungit na inihagis ng lalake ang damit nito sa dibdib ni Ravena. Sa halip na paghanga ang naramdaman niya kanina para sa lalake ay napalitan ng pagkadesmaya. Tumaas ang kilat niya habang nakatingin sa lalake.
"Hindi mo ako labandera at may laundry area naman dito na pwede mong ipalabada roon ang nadumihan mong damit!'' Tinarayan niya na ang gwapong lalake dahil sa ugali nito. Alam niyang isa rin itong Filipino dahil sa salita nito.
"Sino ba ang t@nga na hindi nakatingin sa dinadaanan niya, kaya kung bakit natapunan ng kape ang suot ko?'' mapangutyang tanong ng lalake sa kaniya.
Lalong nanggitgit sa inis si Ravena dahil sa klase ng tingin ng lalake sa kaniya. Kulang na lang kasi ay hubaran siya nito.
Sa inis ni Ravena, itinapon niya sa dagat ang mamahaling suot ng lalake. Lalong kumulubot ang noo ng lalake sa ginawa ni Ravena.
"Are you out of your mind? Alam mo ba kung magkano ang damit kong iyon?'' galit na tanong sa kaniya ng lalake.
"I don't care, Mr. Masyado kang mayabang at mapagmataas. Gusto mo palabhan sa akin ang damit mong iyon hindi ba? Kaya ayan, itinapon ko na sa dagat para malabhan!'' mataray na wika ni Ravena sa lalake.
Umangat ang isang sulok ng labi ng lalake. Wala itong mood pumatol sa isang katulad niya. Malalim na buntong hininga na lang ang ginawa ng lalake. Ilang sandali pa may lumapit na isang babae rito at pumalupot ang kamay ng babae sa braso ng lalake. "Hi, handsome. You want to s*x with me?'' malanding tanong ng babae sa lalake. Tumaas naman ang kilay ni Ravena, sa panglalanding iyon ng babae sa lalaking antipatiko sa tingin niya.
"I told you I'm no longer interested in the women I've already tasted!"
Lalong mapangutya ang tingin ni Ravena sa lalake dahil sa sagot nito sa babaeng nang-aakit sa kaniya. Mapakla pa siyang natawa.
Masakit naman na bumaling ang lalake sa kaniya.
'What? Gusto mo rin tikman ako?'' tanong ng lalake sa kaniya na siyang nagpainit ng pisngi niya.
"Hindi ako pumapatol sa isang lalaking walang delikadisa at kung sino na lang ang pinapasukan. Tse! Diyan ka na nga!'' Pagkasabi ni Ravena, ay tinalikuran niya na ang lalake na nakahubad pang-itaas. Tumuloy siya sa elevator. Samantalang kakaiba naman ang naramdamang karisma ni Elias, nang makita niya ang supladang babae na iyon.
Hindi niya akalain na itatapon nito ang damit niya sa dagat na hindi man lang nagdalawang isip. Sa lahat ng babae ito lang ang may lakas ng loob na magsungit sa kaniya, Akala niya kanina matutukso ang babae na kaharap niya na akitin siya, subalit nagkamali siya.
Tinalikuran ni Elias ang babaeng naikama niya na. Subalit interesado siya sa babaeng nakabangga niya. Bumalik na lang siya sa kaniyang suite at nagpalit ng damit.
Samantalang si Raveana, naman nagtungo na sa cafe shope at nag-order ng cold coffee. Uminit kasi ang ulo niya, kaya kailangan niya magpalamig muna. Mukhang sinira ng lalaking iyon ang araw niya. Ayae niya pa naman na kapag nagpe-perform siiya mamaya ay mainit ang ulo niya. Habang nagkakape si Ravena naisip naman niya ang boyfriend niyang si Jack. Si Jack ang dahilan kung bakit napilitan siyang magtrabaho sa barkong ito. Ito na lang kasi ang pag-asa niya para mapagamot si Jack. Wala siyang balak lumuhod sa mga magulang niya upang humingi ng pera para sa panghospital ni Jack.
Naalala niya noon ang eksena nilang mag-ina bago siya lumayas sa bahay nila. "Mas pipiliin mo pa ang nobyo mong iyon kaysa amin? Para din naman sa kabutihan mo ang ginagawa namin!'' mariin na sabi ni Mrs. Laila Baretto kay Ravena; ang kaniyang ina.
"Para sa kabutihan? Ipapakasal niyo ako sa kaibagan ni Daddy, na hindi ko man lang kilala at hindi ko rin nakita. Paano niyong nagawa na ipakasal ako sa isang matanda? Maayos pa naman ang kompanya natin, pero bakit kailangan niyo akong pilitin na ipakasal sa gurang na lalaking iyon?'' umiiyak na panunubat ni Ravena sa kaniyang ina.
"Hindi mo pa nga kami napapakinggan ng Daddy mo, pero nagwawala ka na! Kaysa naman sa sales boy mong nobyo na hindi mo nga alam kung maibibigay sa'yo ang pangangailangan mong material. Kapag ang lalaking iyon ang pinili mo asahan mo na wala kang mana na matatanggap sa amin ng Daddy mo!''
Nagtagisan ang panga ni Ravena, nang marinig niya ang sinabing iyon ng kaniyang ina. "Mom, hindi ako materyalistik at hindi ko kailangan ang mana niyo. Mas gustuhin ko pang makasama si Jack kaysa ipakasal niyo ako sa matandang lalaki!'' pagmamatigas ni Ravena sa gusto ng kaniyang ina. Handa niyang ipaglaban si Jack sa pamilya niya.
---
Malungkot na hinigop ni Ravena ang kape nang maalala niya ang sagutan nila ng kaniyang ina. Mahal naman niya ang kaniyang mga magulang subalit ayaw niyang magpakasal sa gusto ng mga magulang niya na kaibigan ng kaniyang ama.
Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at tinawagan niya si Mandy. Ang matalik niyang kaibigan na pinag-iwanan niya at pinagkatiwalaan kay Jack.
Ilang sandali pa nag lumipas nasa kabilang linya na si Mandy.
"Mandy, kumusta si Jack? Nagising na ba siya?'' nag-aalalang tanong ni Ravena kay Mandy. Isang buwan na siyang nagta-trabaho sa cruise ship. Ang una niyang sahod agad niyang pinadala kay Mandy, subalit alam niya na kulang pa iyon.
"Oo, Ravena. Nagising na si Jack kanina. Gusto sana kitang tawagan subalit nagwawala siya dahil hinahanap ka niya. Halos wala pa akong tulog kakabantay sa kaniya dahil tinatanggal niya ang dextrose niya. Gusto ka raw niya makita. Tinurukan na lang siya ng pampakalma.'' Halos madurog ang puso ni Ravena, nang marinig niya ang sinabi ni Mandy.
Napansin niyang tumutulo na lang ang kaniyang mga luha. Kung pwede lang languyin niya ang dagat para puntahan si Jack, ginawa niya na. Subalit may limang buwan pa siyang kailangan pagtrabahuhan sa cruise ship na ito bago siya dumaong sa Pilipinas.
"Kapag nagising siya tawagan mo ako. Ano ang sabi ng doktor?'' tanong niya kay Mandy. Pilit niyang binubuo ang kaniyang boses upang hindi siya mapiyok. Wala siyang ibang dinadalangin araw at gabi kundi ang gumaling si Jack at magising na ito.
"Kailangan niyang maoperahan sa paa sa lalong madaling panahon para maagapan ang pagkalumpo niya. Malaking pera ang kailangan. Sabi ng doktor maghanda raw tayo ng kalahating milyon para sa agarang paggaling ni Jack at paglakad. Kasi kailangan niya rin ng theraphy, subalit matagal pang proseso iyon,'' sabi pa ni Mandy sa kaniya.
Hindi alam ni Ravena, kung paano siya makalikom ng ganoon kalaking halaga? Wala siyang ibang mapag-uutangan.
"Sige, Mandy. Gagawa ako ng paraan para mapadalhan kita ng pera para kay Jack. Huwag mo siyang pababayaan, ha? Salamat sa tulong mo.''
"Okay, lang Ravena. Mag-ingat ka riyan. Huwag kang mag-alala ako ang bahala kay Jack,'' tugon naman ni Mandy sa kaniya.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Mandy, inubos niya ang kaniyang kape at bumalik sa kaniyang silid. Matutulog muna siya para may lakas na naman siyang sumayaw mamaya sa harap ng mga kalalakihan.