Episode 68

2097 Words

Chapter 68 Ravena Ilang sandali pa pumasok si daddy. "Anong kaguluhan ito?" tanong nito sa amin. "Itong asawa ng anak mo napakabastos! Mukhang walang pinag-aralan. Hindi ko alam kung paano siya dinisiplina ng kaniyang mga magulang," sumbong pa ni Mommy kay Daddy. Para naman akong maamong tupa na humarap kay daddy. "Sorry po, Daddy. Kung tinik lang din naman ako sa inyong lahat aalis na lang ako. Siguro nga hindi ako napalaki ng maayos ng mga magulang ko. Ang gusto ko lang kasi ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong humuhusga sa akin. Naiintindihan ko kayo kung ayaw niyo sa akin. Hindi ko naman kayo pipilitin na magustuhan ako. Nasasaktan lang kasi ako kapag iniinsulto ako ni Mommy, at pinapamukha niya sa akin na mas karapat-dapat si Diana kay Elias," maluha-luha kong sabi kay Daddy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD