Chapter 24 Ravena Agad kong sinagot ang tawag ni Mandy. Nag-video call kami sa greenApp. "Mandy, kumusta ka na? Ngayon ko lang nakita ang text mo sa luma kong simcard,'' maluha-luha kong sabi sa kaniya subalit ang saya ko dahil sa wakas may communicate na ulit ako sa kaniya. "Ayos lang ako. Ikaw kumusta? Nakababa ka na ba?'' tanong ni Mandy sa akin. Nasa ibang bansa nga siya dahil may suot siyang makapal na jacket at parang nagye-yello pa ang nasa likuran niya. "Oo, nakababa na ako ng barko. Pumunta ako roon sa apartment mo subalit sabi sa akin ni Aling Leny, matagal ka na raw umalis. Saan ba kayo ni Jack? Sobrang nag-alala ako sa inyo,'' sabi ko kay Mandy. "Mahabang kwento, Ena. Nakalabas na kami ng hospital ni Jack, nang hindi ko inaasahan na mag-komplikasyon ang ang operasyon ni J

