Chapter 56 Ravena Kasalukuyan kaming kumakaing tatlo sa harap ng maliit na lamesa. Fried chicken at steak ang binili ni Elias, na hapunan namin. Bumili din siya ng asparagos. "Ang sarap naman nitong binili mong ulam. Masisira ang diet ko nito,'' nakangiti ko pang sabi kay Elias, habang punong-puno naman ang bunganga ko ng kanin. "Ang payat mo na nga magda-diet ka pa?'' sabi naman ni Elias sa akin na bahagya lang sumulyap sa akin. "Payat na ba ako? Ilang araw lang ako rito. Kaso isang beses na lang ako kumain sa isang araw,'' wika ko pa sa kaniya. Ang totoo low carbs lang ang kinakain ko sa mansion. "Ano ba ang nagustuhan mo rito sa anak namin, iho? Ngayong alam mo na siguro ang katigasan ng ulo niya,'' sabi pa ni Yaya kay Elias. Bahagya kong kinalabit si Yaya dahil sa halip na ipa

