Chapter 1

893 Words
"Ano na naman ginawa mo Criszana, tumakas ka na nga nakipag-away ka na naman, at tingnan mo 'yang sout mo hindi ka naman ganiyan dati a, ano ba nangyayari sa'yong bata ka?" Mahabang speech ng nanay ko sa akin. Nag-ma-make face naman ako nakatalikod naman kasi sa akin si mommy. "People change," sabi ko habang pinag-co-cross 'yong legs ko. "Criszana!" Sigaw sa akin ng kuya ko. "What?" Asar na sagot ko. "Umayos ka!" Sabi niya inirapan ko lang naman siya. "Wala na kong choice kun'di ipadala ka sa hacienda natin," sabi ni mommy. Napatayo naman ako sa pagkakaupo at sumigaw. "No!" Mabilis kong sagot. "Yes, pupunta ka roon whether you like it or not, bukas na bukas aalis ka na, ihahatid ka ng kuya mo," sabi ni mommy. "Ayoko roon, kahit saan na lang 'wag lang doon," sabi ko. "Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga maaga tayo aalis," sabi ni kuya. "Mom," sabi ko habang nakatingin kay mommy. "Matulog ka na maaga pa kayo ng kuya mo bukas," sabi ni mom. "May pasok ako mom, paano 'yon?" Tanong ko. "It's summer vacation, honey." Sabi ni mom. "May trabaho ako," pagpapalusot ko pa. "Sige nga, ano trabaho mo?" Nakangising tanong ni kuya. Napaisip naman ako. Shit! Shit! Ayoko pumunta sa hacienda. "M-maghahanap ako," sabi ko. "Kailan kapag pasukan na ulit, 'yan din ang palusot mo noong isang taon," sabi ni kuya. "Ahmpts," sabi ko habang nagpapadyak at ginulo pa ang buhok kong magulo na dahil sa nangyari sa bar kanina. "Matulog ka na, now!" Utos ni mom. "Ampt, I hate my life!" Sigaw ko sabay akyat sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko naligo at nagbihis bago matulog. -------- "Criszana wake up," sabi ng boses habang tinatapik ang pisngi ko. "Maaga pa mom," sabi ko sabay tabon ng unan sa mukha ko. Kinuha naman 'yon agad ni mom at sinigawan ako sa tainga. "Aalis na kayo ng kuya mo!" Dali-dali naman akong napabangon. "Mom, 'wag mo kong sigawan!" sabi ko. "Maligo ka na," sabi ni mom habang hinihila ako papunta sa banyo. "Mom alas tres pa lang mom matutulog muna ako," sabi ko. "No, maligo ka na," sabi ni mom wala na akong magawa kun'di maligo. After one and half hour natapos na ako, bumaba na ako nakita ko ang mga gamit ko sa baba, hinila ko 'yon palabas, nakita ko naman ang kuya ko na masama ang tingin sa akin. "Tsk!" Sabi ni kuya sabay lagay ng gamit ko sa kotse niya, sumakay na ako sa may passenger seat, sinuot ko na rin ang sunglasses kong nakasabit sa sleeveless kung damit at binaba ko 'yong upuan ko para mas komportable. "Honey," tawag sa akin ni mom kaya naman umupo ako at tumingin kay mom. "'Wag kang magpasaway roon, okay." Bilin ni mom nagroll eye lang ako at tumango. Mayamaya sumakay na si kuya sa driver seat at nagpaalam na kay mom, umalis na rin kami. "Criszana, 'pag nandoon ka na ayusin mo 'yang pananamit mo," sabi ni kuya inirapan ko lang siya 'di naman niya kita kasi nakasalamin ako. "Ano bang mali sa sout ko?" Tanong ko. "Look, 'yang neckline mo sobrang baba at 'yang shorts mo sobrang iksi gusto mo bang mabastos ka?" Tanong ni kuya. "Tsk! Fashion ang tawag diyan kuya," sabi ko sabay lagay ng earphones sa tainga ko, sesermonan na naman ako niyan e, mayamaya pa ay nakatulog na ako. "Criszana," sabi ni kuya habang ginigising ako. "Ahjmm," sabi ko. "Nandito na tayo," sabi niya napabangon naman ako at nakita ko na papasok na kami, nakikita ko ang malaking makasulat sa gate na Hacienda de Montalla. Nang makapasok na ang kotse ni kuya, bumaba na agad ako at nag-inat. "Magandang hapon po senorita," sabi ng isang kasambahay tumango lang ako at tumingin sa wrist watch ko alas dos na pala ng hapon. "Akki, pakitulungan naman kami sa paglabas ng gamit ng senorita," sabi ng isang katandaan ng kasambahay. "Opo," narinig kong sagot ng isang lalaki. Busy ako sa pagtingin sa cellphone ko, habang naglalakad papasok. "Bwisit ito 'yong ayaw ko rito e, walang signal naka--ouch ano ba!" Sigaw ko sa taong na bangga ko. "Pasensya na po," sabi niya habang nakangiti sa akin. Aba't may gana ba siyang ngumiti ha, pero infairness ang gwapo niya. "Tsk," sabi ko sabay lakad ulit. "Miss," sabi niya kaya naman humarap ako sa kanya. "Ano?" Sigaw ko may nginuso siya sa akin na 'di maintindihan. "Anong gusto mo, halikan ako?" Nakangisi kong tanong, lumapit naman siya sa akin sabay lapit ng mukha niya at sabay bulong sa akin. "May tagos ka," sabi niya sabay alis sa harap ko. Napatingin naman ako at mayroon nga. Shit! s**t! Napatingin ako sa kanya, at ang luko nakangisi sa akin. Bwisit nakakahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD