Chapter 2

1107 Words
Chapter 2 After ng nakakahiyang eksena nagbihis na ako sa kwarto ko rito, after noon bumaba na ako at naglakad-lakad sa garden. Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko 'yong lalaking nagsabi sa akin na may tagos ako, kasalukuyan siyang kinakausap ng kuya ko. Nang mapatingin siya sa akin tinaas-taasan niya ako ng dalawa niyang kilay, inirapan ko naman siya at sabay ngiti, 'yong ngiting mapapatulala ka sa akin. Pero ang mokong 'di man lang tinablan kaya naman tiningnan ko na lang siya ng masama. Mukha naman napansin kami ng kuya ko kaya tinawag niya ako. "Criszana siya si Akkiro, siya ang magbabantay sa'yo at matuturo ng mga gawain mo rito," sabi ni kuya. "Gawain? Magtatrabaho ako?" Tanong ko. "Oo, kaysa naman tumambay ka lang, Akkiro ikaw na bahala sa kanya makulit at pilya nga lang ito," sabi ni kuya roon sa Akkiro raw. "Masusunod senorito," sabi niya sabay tingin sa akin at kindat. Flirt. Well kung lalandiin niya ko, why not coconut, lalandiin ko rin siya para fair. May itsura naman siya at maganda ang katawan at bagay na bagay sa kanya ang tan na kulay niya. Tingnan lang natin kung sino susuko. "Hi senoritang maganda, ako nga pala si Akkiro Josh Martiñez," pacute na sabi niya sa akin. "Criszana," sabi ko sabay tingin sa kanya ng malagkit. "Madam may tanong ako?" Tanong niya. "Ano 'yon?" Tanong ko habang palapit sa kanya. "May pagnanasa ka ba sa akin?" Deretsong tanong niya kaya naman natigilan ako maglakad papunta sa kanya. Ako may pagnanasa sa kanya? Ang kapal din ng mukha nito, a. "Criszana!" Sigaw ni kuya matapos kong suntukin ang mayabang na lalaking nasa harap ko, mahina pa nga 'yong pagkakasuntok ko e, pasalamat siya gwap--- never mind. Nakangisi akong nakatingin kay Akkiro, habang tumatayo siya at nakahawak sa pisngi niya. "Okay lang senorito parang kagat nga lang ng langgam," sabi niya sabay kindat sa akin. "Parang kagat lang pala ng langgam, ha," sabi ko sabay suntok ulit sa kanya. "Criszana!" Galit na sigaw ni kuya. "What?" Painosente kong tanong. "Dalawang buwan ka rito," sabi ni kuya. "Ayoko," sabi ko. "Isang linggo ka lang talaga dapat dito pero ano 'to? Hindi pa ako nakakaalis nang-away ka naman," sabi ni kuya. "Sino ba na una?" Tanong ko. "Ikaw, at tingnan mo siya," sabi ni kuya na nakaturo sa lalaking nakahiga sa sahig. Knock out! "Mahina pa nga 'yan," sabi ko. "Hindi ko na alam gagawin sa'yo, aalis na ako magpakabait ka, at isa pa dalhin mo 'to sa may sofa," sabi ni kuya. "Ayoko nga bahala siya riyan," sabi ko. "Criszana!" Sigaw ni kuya. "Oo na!" Inis na sagot ko. "Aalis na ko baka gabihin pa ako," sabi ni kuya. Pagkaalis ni kuya, sinipa-sipa ko 'yong Akkiro na ito. "Bwisit ka kasi ang weak mo, ang hina pa nga ng suntok ko," sabi habang hinihila siya papasok sa loob ng bahay. "Ang bigat mong lalaki ka," sabi ko ng makapasok na kami sa loob. Hingal na hingal ako ng maipasok ko na siya. "Bwisit kang lalaki ka, bahala ka na riyan sa sahig 'di kita kaya," sabi ko habang nakapamaywang. "In fairness ha, gwapo ka, weak ka nga lang," sabi ko sabay upo ng indian seat para mas matitigan ko pa ang mukha niya. "Parang 'di ka naman nagta-trabaho rito sa amin, mukhang pangmayaman mukha mo, ang tangos pa ng ilong mo mas matangos pa sa ilong ko, tapos 'yong labi mo ang pula, talo pa 'yong labi ko, tapos ang haba ng pilik mata mo, mas mahaba pa sa pilik mata ko, siguro may lahi ka 'no?" Tanong ko habang malapit ang mukha ko sa mukha niya. "Mayroon nga," "Ano?" "Kalahating handsome at kalahating gwapo." Aba't ang yabang din nito a. Tulog na nagsasalita pa, wait tulog? "Sabi na nga ba, may pagnanasa ka sa bata kong katawan," nakadilat na sabi niya dali-dali naman akong lumayo sa kanya. "K-kapal mo," sabi ko. "Grabe sakit mo manuntok," sabi niya sabay hawak sa pisngi niyang namumula, natawa naman ako sa kanya. "Sabi mo mahina," sabi ko. "Totoo naman e, buti nga sa'yo dalawang buwan ka rito," sabi niya. "Paano mo nalaman?" Tanong ko natigilan naman siya. "Hoy weak bwisit ka bumalik ka rito, letse ka!" Galit na sigaw ko nang tumakbo siya. Shit naisahan niya ko roon a, bwisit siya gagantihan ko siya. ------- "Madam!" Tawag sa akin ng taong tinatakbuhan ko. Bakit? Kasi ba naman sa kasagsagan ng kagabihan, pinag-iigib niya ako ng tubig may gripo naman sa mansyon tsaka never pa akong nag-igib 'no. "Ayoko na!" Sigaw ko. "Madam wala pa ngang tatlong hakbang nagagawa mo suko ka na, iisumbong kita sa kuya mo," sabi niya. "Walang may paki!" Sigaw ko. "Kapag 'di ka bumalik dito bahala ka may pagala-gala pa namang mga maligno riyan," sabi niya kaya naman natigilan ako at lapit sa kanya. "Weh 'di nga?" Tanong ko sabay hawak sa braso niya. "Oo nga, at alam mo ba ang mga gusto nila 'yong mga bagong salta lang dito," sabi niya. "T-talaga," sabi ko habang nakahawak ng mahigpit sa braso niya. "May pagnanasa ka talaga sa'kin, 'no?" sabi niya habang nagtataas baba ang kilay niya napabitaw naman ako sa kanya. "W-wala 'no," sabi ko. "Madam tulungan mo na ako rito magbuhat baka abutan pa tayo ng maligno," sabi niya. "Ayo--" "Okay madali akong kausap," sabi niya sabay upo sa tabi ng timba na bubuhatin ko dapat. "Oo na, tara na," sabi ko. Tumayo naman agad siya at kinuha ang dalawang timba na punong-puno ng tubig, ako naman kinuha ko na 'yong isang timba na puno din ng tubig. Malayo kasi ang poso sa mansyon kaya naman may kalayuan din. "Pahinga muna tayo, please," sabi ko kay Akki. "Gusto mo bang maabutan tayo ng mga ma--" "Oo na sabi ko na nga 'di ba, bakit pa ang bagal-bagal mo kumilos?" Sabi ko habang buhat-buhat ang halos kalahating tubig na nasa timba. Nang makarating na kami sa mansyon pawisang-pawisan ako, at halos wala na sa kalahati ang laman ng timba. "Tsk! Tsk, dami mong inaksayang tubig," sabi niya habang nakatingin sa timbang dala ko. "At least nga may laman pa," sabi ko. Napangisi naman siya sa akin. "Tara, isang timba na lang ulit," sabi niya. "Ayaw na!" Mabilis kong sabi. "Sa ayaw at gusto mo mag-iigib tayo," sabi niya. "Ayaw!" Sagot ko. "Isusumbong kita sa kuy--madam Criszana!" Sigaw niya sa akin ng ibuhos ko sa mukha niya 'yong kalahating tubig na dala kong timba. Ako naman ay tumakbo na papasok sa kwarto ko. Nakangiti akong nagbihis ng pantulog. Nakaganti rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD