"Senorita okay ka na ba talaga?" Tanong sa akin ni Makoy. "Oo nga," sabi ko kanina pa nila ako tinatanong kung okay lang ba raw ako. Ewan ko ang weird nila. Kung sabagay sino ba naman ang 'di magtataka kung malayo ang tingin ko. Iniisip ko kasi ang mga sinabi ni Akki. Paano niya kaya nalaman ang tungkol kay Norrain at Kenzo. Iyong ex ko. "Senorita naman hindi ka okay e, tingnan mo tulala ka na naman," sabi ni Kiko. "Okay nga lang ako," sabi ko matapos ko siyang batukan. Nandito kami sa treehouse nila na nakatambay. "May tanong ako," sabi ko habang nakatingin sa kanila tumango-tango naman sila. "Game!" Sabay-sabay na sabi nila magbestfriend talaga sila. "Ano pinagsasabi ko kahapon?" Tanong ko sa kanila, kanya-kanya naman silang iwas ng tingin at bulungan. "Sabi ko, ano pinag

