Nagising ako na nasa kwarto ko, bumangon naman ako at tiningnan ang oras sa alarm clock kong walang silbi, dahil sa mas maingay pang si Akki na taga-gising ko. Nakita ko roon na alas quatro na ng madaling araw ang haba rin pala ng tulog ko. Napatingin ako sa braso ko na mas kalmot namumula na lang ito, hinawakan ko 'yon at pinisil-pisil, malamang masakit 'yon, try niyo. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko pumunta ako sa kusina at naghanap ng makakain ko. Nagugutom na rin kasi ako wala pa akong kain ng hapunan, sinong 'di magugutom? May nakita naman akong kanin pa sa rice cooker, kumuha ako roon at nilagay sa oven para uminit kumuha na rin ako ng hotdog sa refrigerator. Niluto ko 'yong hotdog ng maluto ko 'yon ay okay na rin 'yong kanin, kumain na ako pagkatapos ko ay umakyat uli

