"Mama, kiss" paalala sa akin ng kambal habang nakaturo sa kanilang mga pisngi. Ang cute talaga ng mga anak ko, parang ako lang. Lumapit ako sa kanila at lumuhod para pumantay ang mga mukha naming tatlo. Tigkabila nila akong hinalikan at hinalikan ko rin sila sa pisngi. "Ingat ka po mama." sabi ni Tues "Labyupo mama." sabi naman ni Wed. Nakangiting kumakaway sa akin pa ang kambal habang papalabas ako ng bahay. Nang makarating sa pintuan ay naroon si Jeremy na may hawak hawak na lunch box at iniabot sa akin. Araw-araw ay pinababaunan niya ako ng pagkain dahil alam niyang wala aking tiwala sa pagkaing labas. Maaga siyang gumigising palagi para magluto ng almusalan at pagkain na dadalhin ko sa trabaho. "Thanks" sabi ko sabay kuha ng lunch box "Ingat ka." sabi pa niya bago ako tuluyang m

