Nagising ako ng may humahalik sa tigkabilang pisngi ko, ang kambal. "Morning po moma" sabay nilang sabi. "Good Morning" bati ko sa kambal. Bumangon ako at naghilamos. Paglabas ko ng CR ay tahimik na naghihintay sa akin ang kambal. Hawak hawak ko sila sa tigkabilang kamay ko pababa. Pagbaba ay binati ko si Jeremy na kakatapos lang magluto. Ako ang nagasikaso sa pagkain ni Tues habang si Jeremy naman ay inasikaso si Wed. Bago kumain ay nagdasal muna kami, sa pangunguna ni Wed. "Thank you po God, kasi kumpleto ulit po kami ngayon. Salamat po sa pagkain at sana po ay pasalubungan ako nina Mama at Papa ng burger at sana salubungan din nila ng doll si Tues dahil yun ang gusto niya. Yun lang po God, pramis bait na bata po kami ni Ate Tuesday." Matapos ang dasal na pangunguna ni Wed ay natawa

