Lumipas ang isang oras ay natagpuan kong tumatawa kami ni Jeremy pero kitang kita ko sa mata niya ang lungkot. Hindi ko alam kung nassan kami ngayon pero sabi nuya ay panonoorin namin ang sunset. Walang tao rito atvkami lang kaya malaya kaming sumigaw at tumawa ng malakas. Bago pumunta rito ay tumawag sa amin si Mang Yena at ipinaalam na nasundo na niya ang kambal. Napatingin ako sa kamay namin ni Jeremy na halos hindi niya binitawan kanina. Ganito siguro kami kung hindi nagkalamat ang relsyon namin pero ang lahat ng nangyari ngayong araw sa amin ay isang pagkukunwari lamang. At bukas ay haharapin namin ang maaring magpapabago sa lahat. Habang pinapanood ang sunset ay nagkwentuhan lang kami, binalikan namin yung mga pangyayari sa relasyon namin noon. Mga kwentuhan at masasayang alaala

