Kinabukasan ay masakit ang ulo ko pati na rin ang puso ko. Ganito pala ang feeling ng iniwan at niloko. Dati tinatawanan ko lang yung mga napapanood ko o di kaya nababasa pero pag sa iyo pala nangyari parang masisiraan ka na ng utak.
Kinusot ko ang mga mata na alam kong namaga sa kakaiyak ko simula kagabi. Hindi man ako uminom ng alak kagabi pero nakakalasing ang pagiging brokenhearted. Wala ka sa wisto at katinuan.
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig pero sandali akong natigilan ng may makitang plato doon na natatakluban. Tinaggal ko ang nakatakip doon at nakita ang isang almusalan. May nakadikit doong notes na binasa ko naman
Fix yourself.
– Calyx
How can i fix myself if my heart is torn into pieces?
Napatingin ako sa salamin at nakita ko doon ang isang babae na mukhang dinaanan ng bagyo. Maga ang mga mata, gulo-gulo ang buhok at ang eyeliner ay nagkalat sa ibaba ng mata ko.
Inayos ko ang sarili bago nagpagpasyhan na kainin ang nilutong almusalan ni Calyx para sa akin na siyang naging tanghalian ko na rin.
Mula sa pagligo hangggang sa paggayak papintang trabaho ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Masakit ang ulo ko, mata at pati na rin ang puso.
First boyfriend ko siya, first kiss, lahat nga ata sa kanya ay first ko, pati itong baby na nasa tiyan ko.
Agad akong pumunta sa cr at hinugasan ang kamay ko na dumudugo. Hindi ko namalayan na nasuntok ko ang salamin na nasa harap ko. At eto na naman ako umiiyak.
Hindi dapat iniiyakan ang mga lalakeng manloloko. Sabi ng kabilang isip ko pero tumutol ang kabila. Eh mahal mo nga siya.
Pinunasan ko ang mukha ko at ang kamay ko nang may marinig ko ang doorbell, baka si Calyx.
"What are you doing here?" galit na tanong ko kay Jeremy.
Gusto ko siyang salubungin ng halik at yakap pero hindi ko maggawa nang makita ko ang mga mata niya na puno ng galit at poot.
Ang kapal ng mukha niya na magpakita sa akin ng personal pero nung nakipagbreak siya sa akin kagabi hindi man lang siya nagpakita. Hindi siya nagpaliwanag ng harapan sa akin.
Alam ba niya na kwinestyin ko pa ang pagkatao ko dahil sa ginawa niyang panloloko. Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Bakit hindi na lang ako?
"You're lying" seryoso sabi na hindi ko maintindihan. At ako pa talaga ngayon ang sinungaling. Nakalimutan niya ata na siya itong nagsinungaling sa akin at nakabuntis ng ibang babae.
"Anong pinagsasasabi mong gago ka?"
"Sinabi mo kay Kuya Calyx na buntis ka. Para ano? Para hindi kita iwan? Para balikan kita?" agad ko siyang sinapak sa pinagsasasabi at kusang tumulo ang luha ko.
Nakalimutan kong nasabi ko pala kay Calyx kagabi na buntis ako. Marahil ay okupado masyado ang isip ko sa nangyari kahapon.
"Hindi ako gagawa ng kwento para lang balikan mo. Oo mahal kita pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo... kung alam kong h-hindi na ako" umiiyak kong sai habang hinahampas ko siya sa balikat.
"Sasabihin ko sana sa iyo kahapon na buntis ako dahil anniversary natin pero ano ang natanggap ko? break up."
"Minahal mo ba ako Jeremy?" umiiyak na tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa sahig. "Sa pitong taon, nasaan ako doon? Saang parte mo ako minahal noong mga panahon na iyon?"
Bigla niya akong niyakap pero nagpupumiglas ako at hinampas siya sa dibdib ng paulit ulit. Mahal ko suya pero ngayon ko lang tuluyang nakita at napagtanto na iba na ang nararamdaman sa akin Jeremy.
Dumating naman si Calyx at nilayo siya sa akin na siyang dahilan para matumba si Jeremy sa sahig.
"Savannah mahal kita. Hindi ko alam na buntis ka. At hindi ko rin ginusto ang nagyayari sa atin ngayon." sabi niya habang nakaluhod.
"Kung mahal mo ako hindi mo ako iiwan at lolokohin. Kung mahal mo ako, walang ibang babaeng nabuntis."
"Jeremy umuwi na muna tayo." sabi ni Calyx sa kanya at pinatayo siya. "Pasensya ka na Savannah." aniya pa bago tuluyang umalis.
Nahiga na lang ulit ako dahil sa nangyari. Iniyak ng iniyak ko lang ang lahat hanggang makatulog. Araw-araw ata akong iyak at itutulog na lang ang lahat.
Papunta na sana ako sa trabaho ko kanina pero hindi ko itinuloy at itinext na lang ang boss ko na hindi ako makakapasok.
Hindi ko deseve ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko deserve masaktan.
Nagising ako nang may maamoy akong mabango, amoy pagkain. Agad naman akong bumangon at bumungad sa akin si Calyx na nagluluto sa kusina. Sa amoy pa lang ng niluluto niya ay tumutunog na tyan ko.
Napatingin ako sa wall clock at alas-quatro na pala. Halos tatlong oras akong nakatulog.
"Naiwan mong hindi naka-lock yung pinto kaya pumasok na ako. Pasensya na rin kung pinakialaman ko itong mga gamit mo rito." aniya at mataman akong ngumiti sa kanya at pumwesto sa harap niya para panoorin siya habang nagluluto.
Pinanood ko lang siya na magluto hanggang matapos. Siya na rin ang naglagay nang pagkain sa plato ko.
Kunin ko kaya itong katulong?
"Yung totoo CEO ka ba talaga o katulong?" tanong ko sa kanya.
"Both?" hindi niya siguradong sagot.
"So anong ginagawa mo ulit dito?"
"Pinagluto ka. Ang mga babaeng brokenhearted ay wala lagi sa sarili. Iyak tulog lang yan at walang ganang gumalaw maghapon."
"Babae ka ba? At alam mo yung mga ganyang galawan ng mga babaeng broken hearted." natatawa kong sabi at tumawa din siya.
"Nope,I just want to comfort you."aniya.
"Sounds like a saviour/hero." ani ko. "Bakit ako pa? Sa tingin ko mas mabuti pang turuan mo yung kapatid mo na wag manloko ng babae." wala sa sarili kong sabi.
Sandali siyang napatitig sa akin at mukhang nagiisip ng sasabihin. "Mahal mo talaga siya ano." malungkot niyang saad na para bang siya ang brokenhearted sa aming dalawa.
"By the way, gusto ka nga palang makausap ni Dad dahil sa kondisyon mo. Hindi hahayaan ng mga Mendoza na pabayaan ang unang magiging apo niya. Tsaka dapat pananagutan ka ni Jeremy pero..."
"Iniwan niya ako, niloko niya ako at sinaktan niya ako." pagtatapos ko sa sasabihin niya at bumuntong hininga na lang siya.
"Kailan daw ba ako kakausapin?" pag-iiba ko.
"Sa isang araw, kung okay lang sa'yo. Gusto niyang doon ka sa amin magdinner."
"Ok" sagot ko at pinagpatuloy na ang pagkakain.
"Ayaw mo ba akong nandito? Kasi kung hindi okay sa iyo ay hindi na ako pupunta?" tanong ni Calyx ng ihatid ko siya sa pintuan ng condo unit ko.
Napakagat ako sa aking labi at tila nakonsensya. Alam kong concern lang siya sa akin pero ang lagi kong kwinekwestyon ang presensya niya tuwing pumupunta siya rito.
"I'm okay with your presence, it lessen the pain. I need my saviour." saad ko. Lumapit sa akin si Calyx at hinalikan ako sa noo, matapos nun ay tuluyan ng siyang umalis.