Isang linggo ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Jeremy ay pilit kong tinutulungan ang sarili na kalimutan siya kahit mahal na mahal ko siya.
Sa loob din ng isang linggo na iyo ay hindi ako pumasok sa trabaho at napagdesisyonan na lang na magresign dahil sa kalagayan ko. Ang sabi sa akin ng doctor ay okay pa rin daw magtrabaho ang buntis hanggang 3 months basta iwas sa stress at kumakain ng masusustansyang pagkain.
Sa ngayon ay naghahanda ako dahil ngayon ang araw na pupunhta ako sa Mansion ng Mendoza. Nakarating na ako doon dahil legal naman ang relasyon namin ni Jeremy sa magulang niya pero iba ngayon lalo na't hiwalay na kami.
Paglabas ko sa condo unit ay nagulat ako ng makita ko si Calyx. Agad namang umangat ang tingin niya sa akin nang makitang bumukas ang pintuan.
"Hatid na kita." nahihiya niyang sabi.
"Sure." Hindi na ako tumanggi dahil sayang din naman yung ipinunta niya rito kung tatanggihan ko.
Nang makarating kami sa Mansion ng Mendoza ay sinalubong kaagad ako ng magasawang Mendoza. Si Tito Huey at Tita Felicity.
"I'm so sorry for my son, Savannah." sabi ni Tita Felicity habang kunakain kami.
"It's okay po Tita. Makaka move on rin ako."
Matapos ang paguusap na iyon ay iniba ni Tito Huey ang usapan at tungkol ito sa pagbubuntis ko.
Ang sabi nila ay wag daw akong magalala sa mga gagastusin at kakailanganin ko dahil sagot nila ang lahat at nagpasalamat ako doon.
Kinumbinsi din nila na lumipat ako dito sa Mansyon pero hindi ako pumayag. Dahil hindi nga ako pumayag ay iniba na lang nila ang offer. Magpapadala na lang daw sila ng katulong at personal doctor at nurse na para sa akin na inayawan ko rin.
Sa huli ay wala silang naggawa para makumbinsi ako at sinabi na lang nila na tawagan ko daw sila kung may iba pa akong kailangan.
"Maraming salamat po" saad ko ng maihatid ako ng magasawang Mendoza sa labas ng mansyon nila.
"You are always welcome in our humble house hija." ani Tito Huey at ngumiti ako sabay tango. (Huey pronounced as Yuwi.)
Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kanina lang ay nagiisip ako kung saan ako kukuha ng pera lalo na't umalis na ako sa trabaho ko. May pera naman akong ipon pero alam kong hindi iyon sasapat hanggang sa manganak ako.
Nakahinga ako ng maayos ng pumasok na ang magasawa. Kanina lang ay grabe ang kaba ko dahil akala ko makakasama namin si Jeremy sa dinner buti na lang ay wala, kasama daw nito si Ysabella. Ang naroon lang ay si Aaron, Calyx, Tito Huey at ang asawa niya.
Napaangat ako ng tingin nang may nagsalita. "Hatid na kita" sabi ni Calyx.
"Hindi na, magtataxi na lang ako." pagtanggi ko.
"Hindi pwede, gabi na baka kung anong mangyari sa iyo." aniya.
"Concern much" tumatawa kong sabi.
"Tss"
Walan man akong naging sagot sa pagoffer niya pero basta na lang siya umalis at mukhang kukunin ang sasakyan. Ilang saglit pa ay dumating na siya na nakasakay sa kotse niya. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
Ang Mendoza ay isa sa mga kilalang angkan at pamilya sa bansa pero ganun pa man ay napakasimple nila pagdating sa pamumuhay.
Sa katunayan niyan ay hindi lang sila basta mayaman, sobrang yaman kamo. Biruin mo may tigi isang kompanya ang magkakapatid, akala ko si Jeremy at Calyx pati rin pala yung bunso nila na si Aaron.
"Are you okay now?" biglang tanong ni Calyx habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.
"Kinda? I guess? I don't know." naguguluhan kong sagot.
"Don't worry you'll be okay. I'm always here." aniya.
Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung may girlfriend ba itong si Calyx. Mukha kasing madali lang niya makuha at mabihag ang mga babae. Parang ngang kahit sinong babae ay mahuhulog sa napakabait at napakagwapong Calyx Vin Mendoza.
"Bukas nakasched ka na pumunta sa OB-GYN, sasamahan kita." bigla namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Hindi naman niya kasi ako responsibilidad. Dapat nga si Jeremy ang gumagawa ng ginagawa niya pero syempre anong aasahan ko sa gagong manlolokong iyon.
"Wag na. Kaya ko naman." pagtatanggi ko ulit.
"Basta susunduin kita bukas. Gusto mo man o hindi." pagpipilit niya. Hindi na ako nagsalita dahil iba rin ang isang ito, mapilit masyado.
"Salamat sa paghatid, salamat sa lahat. Goodnight." ani ko nang makapasok na ng condo unit.
Pati paghatid papunta dito mismo sa unit ko ay pinilit niya. Katulad kanina ay tumanggi ako dahil masyado na akong nakakaabala pero siya itong pinipilit lagi ang gusto kaya wala akong maggawa sa katigasan ng ulo niya.
"Goodnight baby" nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya.
"Huh?"
"Goodnight" aniya sabay turo sa tiyan ko. "Ahhh akala ko ako." natatawa kong sabi.
"Pwede naman kung gusto mo." pagbibiro niya pa. "Goodnight Savannah"
"Goodnight Calyx, ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit." ani ko.
Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko naman itong kinuha.
Baby is calling...
Napamura naman ako ng wala sa oras nang makita ko ang tumatawag sa akin. Nakalimutan kong baguhin yung pangalan ni Jeremy dito sa contacts. Halatang hirap talaga akong kalimutan siya.
Sinagot ko ito. Pero hindi ako nagsalita at hinintay lang siya na magsalita sa kabilang linya.
"I'm sorry Savannah pero bigyan mo naman ako ng chance para sa magiging anak natin. Hindi ko ginusto ang nangyari. I'm sorry." umiiyak niyang sabi kaya tumulo na naman ang luha ko.
Nanatili lang akong tahimik habang tumutulo ang mga luha. Hindi ko kasi alam ang isasagot sa kanya.
"Goodnight Savannah. I love you." I love you too.
Gusto ko man na kausapin siya pero pinatay ko na ang tawag at natagpuan ko na naman ang sarili ko na umiiyak. Bakit ganito kasakit ang magmahal?
Sa huli ay muli ko na naman nakatulugan ang pagiyak. Nagaasam na mahinto na itong sakit na nararamdaman ko at hinihiling na sa pagmulat ng mta ko kinabukasan ay hindi ko na mahal si Jeremy.